Chapter Two:Unexpected

2 1 0
                                    

Naka upo si Aliza sa ilalim ng punong mangga habang hinihintay muli ang pagdating ni Lea sa kanilang tambayan.
Ilang sandali pa ay natanaw na niya ito   na tumatakbo palapit sa kanya na ngitingngiti.

Aliza

"Oh anong nangyari sayo bakit ka tumatakbo?"ang tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Besss!nakita ko na ang dream man ko!Omg bago syang student dito na galing America,grabi ang gwapo gwapo nya talaga."ang sabi ni Lea habang tumatalon at may pa hampas hampas pang nalalaman.

"Ano ba!tumigil ka nga!
Anong dream man dream man ang pinagsasabi mo dyan?
At sino naman yang lalaking yan ah!"ang tanong ko sa kanya habang nakakunot parin ang noo  sabay tayo mula sa pagkakaupo.

"Easy ka lang best,wag kang masyadong high blood diyan ok yung kilay mo oh malapit ng mag dugtong."ang sabi nito habang tumatawa.

"Itong babaeng talagang ito oh,konting konti na lang talaga at titirisin ko na talaga to,hmp"ang sabi ko na lang sa aking isip.

"Eh sino ba kasi yang lalaking yan?"ang tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi ko rin alam,pero ayon sa narinig ko kanina ay kaklase daw natin yun."ang sabi nito

"Ah ganon ba."ang sabi ko na lang saka naglakad,hindi rin naman ako intirisado sa lalaking tinutukoy nito.

"Ano ba namang sagot yan bes,maiba nga tayo, bakit nga pala at hanggang ngayon ay wala ka paring boy friend,wag mong sabihing tomboy ka?"ang wika nito habang tinitingnan ako pataas baba.

"Hindi ako tomboy bes,sadyang wala pa talaga sa isip ko yung mga bagay na yan."ang sabi ko dito saka nagpatuloy sa paglalakad habang sya ay sumusunod sa akin.

"Alam mo bes,halos lahat ng lalaki sa room natin ay gustong ligawan ka eh sino ba naman ang hindi magkakagusto sayo eh maganda ka ,matangkad,maputi,matalino,may kaya rin kayo sa buhay at ang bait mo pa,kung lalaki lang ako ay matagal na kitang niligawan."ang sabi nito sabay lakad paatras habang nakatingin saakin.

"Alam mo,wala akong pakialam sa kanila at hindi rin ako nagmamadali kasi para sa akin ang pagmamahal ay hindi hinahanap kusa itong dumarating sa tamang oras at panahon na hindi mo inaasan na kung saan ito'y iyong  mararamdaman sa taong iyong totoong minamahal."ang sabi ko sa kanya habang may ngiti sa labi at may pakumpas kumpas pa ng kamay.

"Wow,ikaw ha mukhang inspired tayo ah."ang sabi nito habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.

"Ano ba! Tigil tigilan mo nga ako!Anong inspired yang pinagsasabi mo baka ikaw."ang sabi ko pa na pawang nayayamot.

"Oo na,ako na yung INSPIRED at ikaw naman yung EXPIRED."ang hirit pa nito sabay tawa ng malakas.

Sa sobrang inis ko ay nauna na lang ako sa pagalalakad.
Nakakainis talaga dinamay pa yung love life ko na nanahimik tss.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko sa hindi kalayuan.

"A-aliza?Aliza.!Aliza ikaw nga!"
ang sabi nito habang nakangiti ng matamis habang nakatingin sa akin.

"L-lyrinth ikaw ba talaga yan?"ang tanong ko dito tila hindi makapaniwala.

"Oo Aliza,ako ito si Lyrinth Cuevo yung childhood friend mo."ang sabi nito habang naluluha ang mga mata.

"Rinth kaylan ka dumating?Hindi ka man lang nagpasabi para na sundo kita"ang sabi ko dito.

"Kahapon lang kami dumating nina mommy at daddy.Hmm Aliza pwede ka bang mayakap?"ang sabi nito habang namumula ang pisnge.

"Ah hehe sige ba no prob.ikaw pa ba?"sabi ko sabay ngiti.

Sabay yakap nito sakin ng mahigpit kasabay nito ang pagbigkas nito sa mga katagang.
"Na miss kita Aliza ng sobra sobra"ramdam ko ang hininga nito sa aking leeg,na dahilan upang ikapula ng aking pisnge.

Shit self tumigil tigil ka ok, umaandar na naman ang pagiging malandi mo,kalma self kalma ka lang.

"Ehem ehem"nag fake cough pa si Lea.

Kayat napabitaw na lang kami ni Lyrinth sa isa't isa,sabay tingin sa paligid.

(>_<)

Shit ang daming people na nakatingin sa amin,yung iba ay nagbubulungan at ang talim ng tingin sa akin.Tss ito pang si Lea wrong time pa magkayakap na nga kami eh panira pa tss.

"Bes,magkakilala kayo?ang tanong nito na tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Ahmm,oo bes si Lyrinth pala childhood friend ko."ang sabi sabay ngiti ng tipid.

"Ow!Hi Lyrinth ako nga pala si Lea best friend ni Aliza."ang sabi nito sabay todo ngiti kay Lyrinth.

"Hmm,hi Lea nice to meet you "sabi ni Lyrinth sabay ngiti ng ipid.

"Nice to meet you too"sabay tingin ni Lea kay Lyrinth na tila ba kumukinang ang mga mata nito sa tuwing titingin ito kay Lyrinth.

"Guys malapit na magtime oh,baka ma late pa tayo."ang sabi ko na lang sa  kanila sabay umpisa nang maglakad.

 
Pagkatapos ng klase ay sabay na lumabas ng gate sina Aliza,Lyrinth at Lea.

"Aliza saan ka pala pupunta bago umuwi sa bahay nyo?"ang tanong sa akin ni Lea.

"Sa books store lang naman,bibili kasi ako ng book ni Kuya KIB yung Taste Of Blood alam nyo yun?"ang sabi ko sa kanila.

"Ah talaga ba?Pa sama ako Aliza bibili din ako nun eh,ok lang ba?"ang tanong sa akin ni Lyrinth.

"Ok sge no prob.para naman may kasama ako sa pag uwi."ang sabi ko na lang dito.

"Hoy hoy,eh ako?Pababayaan nyo na lang akong umuwing mag isa?"ang sabi ni Lea.

"Haha diba sabi mo sakin noong nakaraang araw na gusto mong umuwi mag isa dahil baka makasalubong mo yung man of your life mo haha para ikaw lang yung makikita nong taong yun haha."sabi ko pa dito.

"Bes naman eh,wala na yun kasi hindi ko naman nakita yung taong yun sa kalsada kasi sa gate ko sya nakita." ang sabi nito habang numanakaw ng tingin kay Lyrinth.

"Haha oo na,sama kana samin para masaya haha."ang sabi ko sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Yey!thank you bes kaya mahal kita eh pero mas mahal na mahal ko yung taong nakita ko kanina haha."ang sabi nito sabay tawa.

"Tss bahala ka na nga,ang dami mo naman kasing lalaki."ang sabi ko sa kanya habang tumatawa.

"Tss,tumigil nga kayong dalawa ang inggay inggay nyo."ang sabi ni Lyrinth habang nagkakamot ng ulo sabay tingin sakin.

"WAHH KJ HAHAHA."ang sigaw namin ni Lea sabay tawa ng malakas kayat nakitawa narin si Lyrinth.

When It's Too LateWhere stories live. Discover now