Chapter Four:The Day It Started

3 0 0
                                    

Pagkatapos kung mag bayad kay Mang Julio ay naupo ako sa isang bench na malapit dito. Maya-maya ay natanaw ko ang isang batang babae na hinahabol ng isang batang lalaki,masaya silang nagtatawanan habang naghahabulan tila ba walang pakialam sa anumang problemang nangyayari sa kanilang paligid,maya-maya ay may isang alaala ng nakaraan ang pumasok sa aking isipan..ang alaala namin ng aking kababata.

May isang batang babae na hinahabol ng isang batang lalaki.Kung titingnan mo ay parang sila yung tipo ng tao na hindi pwedeng paghiwalayin dahil kung nasaan ang isa ay naroon rin ang isa.Para silang pinagbigkis na kay hirap buwagin.

"Aliza!lagot ka sakin kapag naabutan kita!isusumbong kita kay Tita Lira!"ang sabi ng batang lalaki.

"Bleee hahaha!kung kaya mo akong habulin hahaha!"sabi ng batang babae sabay takbo ng mabilis.

"Aliza ayaw ko na!nakakapagod tumakbo!"ang sabi ng batang lalaki habang hinihingal.

"Oh diba di mo ako kaya hahaha!"ang sabi ng batang babae at ngumiti ng may pangiinis.

"Eh grabi ka naman kasi kung tumakbo!para kang nakawalang baboy sa kulungan haha!"ang sabi ng lalaki sabay halakhak ng malakas at may pahawak hawak pa sa sikmura nito.

"Anong sabi mo?Ako baboy? Eh ikaw  kapansay hahah!bleee."ang sabi ng batang babae saka nagpatuloy sa pagtakbo.Walang nagawa ang batang lalaki kundi sundan ang batang baka kung mapano pa ito.

Makikita ang dalawang bata na naglalaro sa plaza,hindi maipagkakaila na sila ay masaya sapagka't makikita sa kanilang mga mata ang labis na kasiyahan.

"Rinth,itulak mo nga itong duyan na inuupuan ko."ang utos ng batang babae sa lalaki.

"Sige,pero Iza mabagal lang ang pagtulak ko ha,baka kasi mahulog ka at magkasugat pa,malalagot pa ako kay tita."ang  sabi ng batang lalaki sa batang babae.

"Sige po,Yehey!"ang sabi ng batang babae at napapalakpak pa ito.

.........

Habang naglalakad ang dalawang batang lalaki at babae pauwi ay hindi maiwasang mapangiti ang batang lalaki,sapagkat kaniyang nakasama ang babaeng kaniyang hinahangaan,simula noong una pa lamang silang nagkita.

"Aliza."ang usal ng batang lalaki habang nakatingin lamang sa dinaraanan.

"Ano yun Lyrinth?"ang sabi ng batang babae at bahagyang tumingin dito.

"Ahmm,pwede ba na mangako ka sa akin,na kapag lumaki ka na ay wag ka munang magpapaligaw sa kahit kanino."ang sabi ng batang lalaki sa babae at himarap dito.

"Oh!At bakit naman?Tatay ba kita?haha."ang sabi ng batang babae habang nakataas ang isang kilay.

"Ah,hindi ah,pero gusto ko sana na hintayin mo ako,ang ibig kong sabihin ay hintayin mo ako na ligawan ka."ang sabi ng lalaki at bahagya pang namula ang pisngi.

"Bakit?Aalis ka ba?"ang sabi ng batang babae habang nakatingin parin sa batang lalaki.

"H-hindi ah,basta hintayin mo ako ha."ang sabi ng batang lalaki habang nakatingin sa mga mata ng batang babae.

"S-sige,hihintayin kita."ang sagot  ng batang babae.Kapwa silang napatingin sa isat isa at ngimiti ng matamis.

Nang makarating sila sa kanikanilang tahanan ay agad na nagtungo ang batang babae sa  kaniyang kwarto at agad na dumamba sa kaniyang kama.Maririnig ang kaniyang mahinang tili sa kaniyang silid,sinabayan pa ito ng kaniyang pagpapadyak.

Araw-araw ay ganoon palagi ang naging gawain nila,ang maghabulan,magpunta ng plaza at umuwi ng magkasama.

Hanggang nakapagtapos ang dalawa sa Elementarya,ay ganoon parin ang kanilang sistema,tila ba hindi nauubusan ng katatawanan.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi inaasahan.

Maagang nagising ang batang babae upang pumunta sa kaibigan nitong lalaki sapagkat gusto nitong magpasama sa pagpunta nito sa parke sapagkat may bagong bukas na kainan malapit doon na gusto nito puntahan.

Pagkalabas nito sa kanilang bahay,ay agad itong tumakbo patungo sa tahanan ng kaibigan nito.Nang makarating ito sa tarangkahan ay agad nitong tinawag ang pangalan ng lalaki.

"Lyrinth!Lyrinth!Nandyan ka ba?"

"Lyrinth!"ang muli nitong tawag sa pangalan ng lalaki.

Mayamaya pa,ay may lumabas na isang matandang babae na isa sa mga naninilbihan sa bahay ng lalaki.

"Magandang umaga po ma'am,may kailangan po ba kayo?"ang sabi ng matandang babae dito.

"Gusto ko po sanang makausap si Lyrinth,nandyan ba sya?"ang sabi ng batang babae sa matanda.

"Ay pasensya na po ma'am pero kakaalis lang po nina sir Lyrinth."
ang sabi ng matandang babae.

"S-saan po sila nagpunta."ang usisa pa nito.

"Sa pagkakarinig ko po ma'am sa kanilang paguusap ay tutungo sila ng Amerika,dahil doon na daw nagaaral si sir Lyrinth."ang sagot ng matanda dito.

"A-ah g-ganun po ba,marami pong salamat sa impormasyon,mauna na po ako,salamat po ulit."ang sabi ng batang babae at saka naglakad pabalik sa kanilang tahanan.

Habang naglalakad ay hindi nito napansin ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.Napangiti na lang ito ng bahagya at mayamaya ang ngiting iyon ay napalitan na ng mahinang paghikbi nito.

When It's Too LateWhere stories live. Discover now