CHAPTER II - Mysterious Boy

8 0 0
                                    

Zeira

Bigla akong nagising dahil sa sakit ng ulo ko. Kinapa ko ang cellphone na malapit lang din sa hinihigaan ko at nakuha ko naman yun.

Tiningnan ko ang oras at pagkakita ko rito ay alas nuebe (9) na ng umaga. Napatayo ako dahil sa sakit ng ulo ko dala ng alak.

Agad akong pumunta sa fridge at kumuha ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung anong oras kami nakauwi kagabi pero mga bandang ala singko kami nagpunta sa resto bar na yun.

Teka...

Paano nga pala ako nakauwi?

Ang kanina kong sabog na utak ay biglang nagising. Chineck kong muli ang cellphone ko at doon ko lang napansin na may message pala na galing kay ralph.

[ From: Ralph ]

{ Hi! Zei. Di na kita ginising dahil masarap pa ang tulog mo. Sorry nauna na ako but I already cooked foods, initin mo nalang pagka gising mo :) Have a good day, Good Morning! }

Hindi ko maiwasang hindi mangiti at ma-touch sa ginawang ito ni ralph. Natutuwa ako dahil ganito pala ang feeling na may kapatid ka na near year lang din sayo.

I have sister and she is Clarisse, 10 years old palang sya while me is already 28. Napaka layo ng age gap namin at hindi rin kami same ng tatay, ibig sabihin kapatid ko lang sya sa ina.

Pag laging may celebrations ang team, si ralph lagi ang nagpe-presintang maghatid sakin pauuwi. Ang pangit ba tingnan? Para sakin hindi naman dahil alam kong malinis ang konsensya at mabuti ang puso nya.

Pagka hatid nya sakin dito sa studio unit na tinitirahan ko, nagluluto na rin sya para sa umagahan ko at pagkatapos non he leaves na.

I find it Gentleman and Cute.

Kailangan na nya siguro magkaroon ng girlfriend para sya naman ang maalagan at napaka swerte nung babaeng mamahalin nya.

Napaka dalang lang din naman ng ganitong set up sa team kasi minsan sa inuman di naman ako laging total knock down, siguro mga twice lang?

At kapag total knock down ako, hindi na ako magising gising kaya ganon nalang ang ginagawa ni ralph minsan kapag malakas talaga ang tama ko.

Kaya ko naman makauwi mag isa kapag kaya ko at kapag hindi naman si ralph ang nag hahatid. I trusted him and I feel more secure kapag nandyan sya.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapangiti sa text nyang 'to. Agad akong nag thank you dahil sa ginawa nyang yun.

[ To: Ralph ]

{ Good Morning, Ralph! Thank you for driving me home and cooked some foods as you always do. Sorry talaga sa istorbo but next time you can call a cab to drive me home. Anyways, have a good day too! Thank you again :) }

I sent it with a smile. Para akong ate nya na super proud sakanya dahil sa manners and kindness nyang iyon.

Hindi na ako magtataka kung hahabul-habulin sya ng mga babae dahil sa taglay na meron sya.

Agad na rin akong pumunta sa lamesa para tingnan iyon and as always, yummy and pleasant ang amoy ng mga niluluto nya.

I started to eat at ang sarap talaga, iniisip ko nga minsan kung chef ba sya sa galing nya magluto.

The Rivalry between the Ex'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon