Chapter 3: Shower

24 1 0
                                    


Ilang minuto pa ang nagdaan, hindi pa rin lumalabas ng banyo si Demitri at talagang nag-aalala na si Scar para rito. Ilang beses na rin niyang tinatawag ang pangalan nito pero hindi ito sumasagot.

Tanging lagaslas lang ng tubig na nagmumula sa shower ang naririnig niyang ingay mula sa loob ng banyo, maliban doon ay wala na siyang naulinigang ingay.

Nag-uumpisa na ring manginig ang buo niyang katawan dahil sa magkahalong lamig na dulot ng aircon at sa pangamba na nararamdaman niya para rito. 

Hindi niya alam kung ano ang gustong mangyari nito? 

Para na siyang mababaliw.

"Tri, come out here! Baka kung ano pa ang mangyayari sa'yo diyan," totoo na ang pag-aalala sa tinig ni Scar. Naririnig iyon ni Demitri pero hindi niya pinapansin. Tinitiis niya ang lamig na dumadaloy sa katawan niya. Kung iyon lang ang paraan para mapawi ang anomang init sa loob niya dulot ng droga na nasa loob ng katawan niya ay titiisin niya.

Hindi siya lalabas ng banyo kung hindi darating ang taong hinihintay niya. Ang taong inaasahan niyang makakasalba sa sitwasyon meron siya sa pagkakataong iyon.

Natigil sa kinatatayuan ang babae nang marinig ang pagbukas ng pinto. Dali-dali siyang naglakad palapit sa kama para hablutin ang kumot sa ibabaw at ibalot sa katawan.

Paanong may nakapasok sa room nila? Expensive room 'yong kinuha niya. Pwede niyang kasuhan kung sinoman itong walang paalam at tuloy-tuloy na lang na pumapasok sa loob ng kwarto nila!

Ngunit gulat lang niya nang isang babae ang pumasok sa loob ng silid. The woman entered the room with such powerful confidence. HIndi man lang siya nakaimik at nakatulala lang na nakatingin dito.

"Where is he?" nagulat si Scar nang marinig ang nag-aalala nitong tinig nang sumulyap sa kaniya. Hindi siya nakasagot bagkus ay itinuro na lamang ang pinto ng banyo.

"Please, put some clothes on. Baka magkasakit ka," baling pa nito sa kanya bago siya nilagpasan.

How dare you to order me what to do?

Pinakatitigan ito ni Scar, tila ba hinahanap niya sa loob ng utak niya kung saan niya nakita ang babaeng iyon na basta basta nalang pumapasok sa silid ng may silid. But, her face looks familiar. Hindi lang niya maletrahan kung saan niya nakita ang mukha nito.

Mahihinang katok ang ginawa nito nang makalapit sa may pinto ng banyo.

"Hey, Tri, I'm here. You can now open the door, love," malumanay na anas nito.

Napamulagat naman ang mga mata ni Scar. Tama ba ang narinig niya? Love ang tawag nito kay Tri.

Tuloy ay hindi napigilan ni Scar na pasadahan ng tingin ang kabuoan nito. Sa kalkula niya ay hindi marunong mag-ayos ang babae. Inaamin niyang may itsura ito at may magandang hubog ng katawan pero ang pananamit nito ay masyadong pormal na para bang galing ito sa isang conference kung saan. 

Nag-iilusiyon ba ito? 

Pero tanong din sa isip niya kung bakit ito naroon? Kung papaanong nalaman nito kung saang silid sila naroon ni Demitri?

Isa ba ito sa mga babae ni Tri?

Imposible 'yon. Kahit saang anggulo talaga niya tingnan, hindi ito papasa sa standard ni Tri pagdating sa mga babae.

Tingnan natin kung pagbubuksan ka ni Tri.

Iniisip ni Scar na hindi ito pagbubuksan ni Demitri ng pinto. Kilala niya si Demitri, hindi ito basta basta nakikipag-usap o nakikisama sa kahit na sino lang. And with this woman in front of her, she's out of Demitri's league.

"Love? If you hear me, you can now open the door. I'm here to get you," ulit pa nito sa isang malumanay at nag-aalalang tinig.

Naipilig ng babae ang ulo.

It can't be.

At laking gulat lang niya nang agad na bumukas ang pinto.

Tuluyang umurong ang dila ni Scar nang makita ang anyo ni Demitri nang makita ang babaeng napagbuksan nito ng pinto. Basang basa ng tubig ang kabuoan nito. Nanginginig din ang buo nitong katawan.

Pero hindi iyon alintana ng lalake nang masilayan nito ang mukha ng kaharap nito. Nagliwanag din ang mukha nito. Noon lang niya nakita ang anyo ni Demitri na ganoon ka vulnerable. Para siyang isang batang ligaw na nakahanap ng lingap sa isang tao.

"You're late," ang tanging lumabas sa bibig ni Demitri saka mabilis na kinabig ang babae palapit at sinulsihan ang mga labi nito na agad naman nitong ginanti. Hindi man lang nagulat ang babaeng kaharap. Bagkus ay parang inasahan na nito ang gagawin ni Demitri dahil agad din nitong ginanti ang kapusukan ng lalake.

Noon niya lang nakita na nagpupuyos sa matinding pagnanasa ang mga mata ni Demitri na kailanman ay hindi niya nakitang naipukol ng lalake sa kanya.

Nasaksihan din niya kung paano dali-daling sinira ng lalake ang suot na blusa ng babae at sinakop ng mga kamay nito ang nahantad na dibdib ng babae. "They drugged me and I can't take it anymore. Kung hindi ka dumating, baka mamatay na ako sa sobrang init," narinig pa niyang humahangos na sabi ng lalake.

Nakuyom ni Scar ang kamao dahil sa narinig. So, tama nga siya, nagpipigil nga talaga ang lalake kanina na galawin siya. Alam niyang hindi basta-basta mahihimasmasan ang lalake dahil sa lakas ng droga na inilagay niya sa inumin nito. At sa nasasaksihan niya ngayon, alam niyang buong gabing pagsasaluhan ng mga ito ang katawan ng bawat isa.

At 'yon ang ikinaiinis ng kalooban niya. Nagpupuyos sa galit at inggit ang kalooban niya dahil sa nasasaksihang kapusukan na dapat ay kaniyang nararanasan ngayon.

"I know what you want - ," narinig niyang anas ng babae sa gitna ng paghangos nito. But, you have to remember that we have company here," anito saka napatingin sa gawi ni Scar.

Napamulagat naman ang babae nang magtama ang mga paningin nilang dalawa.

"Just put your clothes on and leave. I know you don't want to see this," dagdag pa nito saka muling hinarap ang lalake na noon ay tila nauulol na sa paglimas sa katawan ng babae.

"Easy, okay," anang babae na tila nakikiliti sa bawat haplos at pisil ng palad ng lalake sa buo niyang katawan.

"I think I'm going crazy," ani Tri saka buong lakas na binuhat ang babae at pasalampak na inihiga sa kama at mabilis na pumaimbabaw dito.

Wala ng nagawa si Scar kundi dali-daling nagbihis at lumabas ng silid. Ayaw na niyang masaksihan pa ang pagniniig ng dalawa. Lalo pa at nakikita niyang nasisiyahan si Demitri sa piling ng babaeng iyon.

Mabigat ang dibdib na lumabas ng silid si Scar. Dala-dala parin sa puso ang malaking katanungan kung makakayanan ba niya ang ganoong kapusukan ng dalawa. She wants to experience such enthusiasm with someone. That feeling of eagerness and passion.

Gusto niyang itanong sana kung bakit hindi siya kayang tingnan ni Demitri ng ganoon?


************

The Playboy's Journal (Can You Keep My Secret?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon