Mae's POV
Bakit ganun? Para sa kanila ako na lang yung palaging mali. Para sa kanila wala na akong nagawang TAMA. Hays :(
"Ako ba yung may Kasalanan ha? Ako pa ba ha? Kasalanan ko ba na hindi ko nasasabi sayo yung Problema ko ha? Angel naman! Kung alam mo lang! Palagi kong sinusubukan sabihin sayo pero ano? Ikaw ang gumagawa ng paraan para hindi ko masabi sayo. Ikaw tong lumalayo. Palagi kang busy. Busy sa mga bago mong Bestfriends. Nung mga panahon na kailangan kita asan ka? Andun sa mga bago mong Bestfriends. Ako pa yung may Kasalanan Kung bakit hindi ko 'to nasasabi sayo pero sa classmates ko nasasabi ko? Ha? Bakit? Asan ka ba? Bestfriends ba Talaga tayo ha?"
Pagkasabi ko niyan ay umalis na ako. Ayoko ng makipagtalo sa kanya. 2 years na kaming mag Bestfriend at first time lang namin magaway ng ganito. Ano pinagawayan namin? Nag promise kasi kami sa isa't isa na kapag may problema kami, kami ang unang makakaalam. Eh hindi ko pa nasasabi sakanya. Pero sa mga classmates ko nasasabi ko. Bakit? Kasalanan ko ba ha? Eh nung panahon na kailangan ko sya asan sya? Andun sa bago nyang Bestfriends.
Flashback
Palagi akong binubully sa school, Hindi naman as in bully. Yung ako yung palaging inaasar tapos ako yung palaging pinagtitripan. Ganun. Tapos may crush ako sa mga classmates ko si Simon. Kahit Kasama sya sa nang aasar sakin palagi naging crush ko pa din sya. Ang pogi nya kasi eh. Tapos isang araw may natanggap akong Sulat.
"Hi crush. Kumain ka ng lunch ha? Wag ka papagutom ha? Iloveyou :* "
-secret admirer (SA)
Araw araw ako nakakatanggap ng letters at chocolates,flowers at etc. galing kay SA
Isang araw nagpakilala sya. Nagulat ako kasi si Secret Admirer ay si Simon. Hindi ako makapaniwala. Tinanong nya ako kung pwede manligaw and sabi ko OO. haha. Grade 5 palang kami. And 2 months sya nanligaw at January 23 sinagot ko sya. Ang sweet namin dati. Hindi alam ng parents ko na may Boyfriend ako kasi papagalitan ako nun. Umabot kami 1 year nalaman ko magkakahiwalay kami ng school. Nakapag enroll na kasi sya eh hindi ko naman sya pwede sundan kasi hindi ko afford yung tuition dun sa papasukan nya. Nung graduation day namin nagpaalam ako kila Mama na. Mag CCR lang ako pero hindi ako nag CR pinuntahan ko si Simon."Sai, makikipag break na ako sayo. Magkakahiwalay kasi tayo nang school ang hirap kaya ng LDR at na giguilty na ako kasi hindi alam ng parents ko na tayo. At pagaaral muna uunahin ko. Sorry Sai. Iloveyou. Good Bye"
Hindi ko na siya hinintay makasagot. Umalis na ako kasi nagiintay na sila mama sa sasakyan. Pinipigilan ko umiyak pero hindi ko kinaya. Umiyak na ako.
"Oh Mae ba't ka umiiyak?" Tanong ni mama
"Wala Ma, mamimiss ko lang mga classmates ko magkakahiwalay hiwalay na kami eh" pagsisinungaling ko kay Mama.*******
A/N End of Part 1. Okay lang ba? First time ko lang gumawa eh :)
Vomments po :) thanks 감사! 사랑해! (Kamsa! Saranghae!)
![](https://img.wattpad.com/cover/33416386-288-k193813.jpg)