Palagi kaming may gala nila Sai at palagi kaming tumatambay sa Tree House namin. May tree house kasi kaming magkakaklase. Kahit pumayag ako maging mag Bestfriend kami medyo umiiwas pa din ako sakanya. Kasi iniiwasan kong Ma fall ulit sa kanya.
"Oh san ka na naman pupunta ha?" Tanong ni mama
"Jan lang po. Kasama ko sila Phia"
"Umuwi ng maaga ha?"
"Opo"At umalis na ako pumunta ako sa tree house namin. At andun na sila tapos kwentuhan, at kumain lang kami. 2nd anniversary kasi namin dapat ni Sai eh
"Guys, uwi na ako pinapauwi ako ng maaga ni Mama eh"
"Hatid na kita" sabi ni Simon
"Wag na. Kaya ko na umuwi mag isa"
"Ihahatid na kita! Sa ayaw at gusto mo" wala na akong nagawa pa."Bakit ba parang umiiwas ka sakin ha? Diba bestfriends tayo? Ba't ka umiiwas?"
"Wala lang."
"Wala lang? Ha? Bakit nga?"
"Gusto mo talaga malaman?"
"OO!"
"Oo, pumayag ako maging Bestfriend mo kasi aaminin ko Miss na kita pero hindi ibig sabihin nun ay babalik na tayo sa dati. Tinatanong mo kung bakit ako umiiwas? Kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka pag gising ko Isang Araw mahal na pala ulit kita. Sai kilala mo ako madali akong ma fall sa isang tao. Alam mo na ha? Masaya ka na?" Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya"Yan ba ang gusto mo? Ang iwasan ako? Sige, pagbibigyan kita. GoodBye Mae" tapos may inabot syang Teddy Bear at Sulat. At umalis na sya. Pinipigilan kong umiyak. Pero hindi ko na napigilan umiyak na ako at tumakbo ako papunta sa kwarto ko at umiyak ng umiyak. Ng mahimasmasan ako. Pumunta ako ng CR at naghilamos. Nag computer ako at gumawa ng Project sa T.L.E pagtapos ko gumawa ay nagpaprint na ako at nakita ko si Sai kasama si Rafael ang isa sa bestfriend nya. Ugh! Naiiyak na naman ako.
"Oh ba't ka umiiyak?" Tanong ni kuya
"Ah wala po, napuwing lang" pagtapos kong magpaprint ay umuwi na ako at dumiretso sa kwarto ko at binasa yung letter ni Simon.Hi Mae, Alam mo masaya ako nung naging tayo. Naalala mo pa yung kasweetan natin? Haha. Thank You sa Memories :) Alam mo ba nung nakipag break ka sakin? Ang sakit sakit kasi ikaw pa yung nakipag break. Inunahan mo ako. Dapat makikipagbreak din ako sayo pero naunahan mo lang ako. Makikipagbreak ako sayo hindi dahil hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita. Makikipag break sana ako sayo kasi may sakit ako. Cancer. Hindi ko sinabi sayo kasi ayokong masaktan ka at alam kong pag nalaman mong may sakit ako kakaawaan mo ako. Sobrang bait mo kasi eh. Kaya kita minahal eh. Haha :) nag offer ako sayo ng friendship kasi miss na miss na kita at aaminin ko mahal pa din kita. Gusto ko sa mga huling araw ko dito sa mundong 'to kasama kita. Yun lang naman ang gusto ko eh. Kaya nga ang saya ko nung pumayag ka na maging bestfriend tayo eh. Drama ko ba? Sorry :( miss na kita promise. Alam mo na papansin ko na parang umiiwas ka sakin. BAKIT? Tama nga yung drama! Basta mahal na mahal kita. Gusto ko lang na malaman mo na sobrang saya ko na nakilala kita. Thank you for everything. Iloveyou so much. Alagaan mo si SaiMae? Ha? Yung teddy bear na binigay ko sayo :)
- Simon Agoncillo
Ugh! Nakakaiyak yung letter ni Sai! Naiinis ako sa sarili ko. Napaka selfish ko. Kasusot. Ba't di nya agad sinabi sakin na may sakit sya? Naiinis ako dun sa mga sinabi ko sa kanya kanina. Dapat pala hindi ko yun sinabi sa kanya. I'm sorry Simon. :(
