Heto na naman, nalulugmok sa kalungkutan
Napakaraming pinang-hihinayangan
Ang masasambit na lamang ay sayang
Sana noon ika'y lubos na pinahalagahanPangarap sa amin ay tagumpay
Kaya ang iyong lakas sa amin ay inaalay
Ikaw ang laging nakaagapay
Sa kabila ng pagsubok ng buhayNgunit kami ay nawalan ng oras
Sa inang nagdanas ng matinding hampas
Simula ng kami ay ilabas at humingi ng gatas
Mga sakripisyo mo sa amin ay walang katumbasLumipas ang panahon
Unti-unti na tayong nakakaahon
Ngunit tila naging isang dayuhan
Sa sarili nating tahananNgayon ika'y sumakabilang buhay
Wala ng gagabay twing ako'y nalulumbay
Parang kailan lang tayo'y magkahawak-kamay
Habang tayo'y naglalakbaySana noong mahina ka
Nasa tabi mo at pinalalakas ka
Sana noong naghihingalo ka
Nasa tabi mo at pinagdarasal ka
Ngayong wala ka na ina
Ang daming sana...
BINABASA MO ANG
Pagsisisi
PoetryUkol ito sa mga anak na nawawalan ng oras para sa kanilang ina o magulang. Let's not take them for granted.