Trip ko lang ito, I swear. Bahala kayo, kung gusto nyong makisabay sa trip ko edi basahin nyo ito. Edi wow.
----
All rights Reserved. No part of this document may be produced by any form or by any electronic or mechanical means without prior or written permission from the author.
PLAGIARISM IS A CRIME! (intense)
Any resemblance of person, things or events are coincidental. This is a work of fiction and pure Imagination.
ⓒ2015| HeartOrHead
~Pakipot ka, Torpe sya. (One-shot)~
Oh diba?! Pati introduction ginaya ko kay ateBebangLoves. Hi! alam ko po.. alam kong hindi tayo close. Sorry po wag nyo 'kong kasuhan ng Plagiarism. Introduction lang naman po yung ginaya ko :3 Iniidulo kita sa mga storya mong one-shots at naging inspirasyon po kita guwawa ng one-shots story.
10 HOURS! 10 HOURS BROWNOUT SA BAHAY! Kaya eto gagawa ako ng storya. Trip ko lang naman.
-----
-Trishia's POV-
"Hoy!! daydream kana naman?! Malala nayan!" gulat na naman ako. Pano ba kasi lagi akong tulala lagi naman ako ginugulat ng bestprend ko.
"Ay. W-wala ah!"
"Mwehehe.. lokohin mo ang pagong"
"Ka-kasi.. hay wala"
"Sige na share muna.. " sabi nya na ngumingisi.
"Kasi kanina nagkatama ang mga mata namin ni Jacob" Bulong ko sa kanya.
Oo si Jacob ang nasa isip ko kanina. Sya ang secret crush ko at si besprend at ako lang ang nakakaalam nun.
"O.. kaw kasi eh. Kailan kapa ba maniwala na MU kayo?"
"Kasi wala naman sinasabi yung tao sa akin. Ayokong mag assume ako"
"Hay.. sabagay. Pero marami naman ang nagsasabi na crush ka ni Jacob diba? Baka natotorpe lang?"
"Oo pero Imposible. Alam mo namang sya ang hearthrob dito sa school diba? Imposibleng torpe sya. Isa lang naman akong simpleng babae. Walang appeal. Hindi ako maganda at maraming magaganda dyan."
"Sige ilabas mo lang yang nararamdaman mo best.."
"Top 4 lang naman ako. Hindi masyadong matalino. Tahimik lang ako parati hindi kagaya sa kanya, madaming words of wisdom na sinasabi. Ikaw lang ang kaibigan ko e sa kanya ang halos lahat ng estudyante dito sa school except sa akin. Pati ikaw kaibigan nya. Wala naman akong sports at marunong lang ako konte mag gitara yun lang ang talent ko. Ewan kung talent paba yun."
".. lahat ng meron sa akin wala sya. Meron din sya na wala sa akin. Malas lang ako dahil ang meron sa akin puro pangit. Mas binayaan sya ng dios. Nasa kanya na lahat ng swerte"
"Sige tuloy mo lang" hindi naman ako umiiyak pero hinimas-himas ni best ang likod ko.
".. Top 1 sya. Mayaman, gwapo, paburito ng lahat, habulin ng babae ako naman habulin ng mga aso. Ang payat-payat ko eh! E sya ang laki-laki ng katawan." Napag isipan kong itigil kuna ang mga kahibangan ko. Pero totoo naman lahat ng sinasabi ko. Hay
"O? Tigil kana?"
"Alexa.. maganda ba ako?"
"Trishia... mabait ka. Yun ang Importante"
"Hay.."
-Jacob's POV-
"Tol! O bakit ganyan mukha mo? Problem?"