Ika-24 iyon ng Agosto, ang araw na hindi ko malilimutan kahit kailan. Parang isang tattoo, nakatatak na at hindi na mabubura kailanman.
Umaga pa lamang ay umuulan na. Wala kaming klase dahil linggo iyon, pero may pasok pa rin ako sa trabaho. Isa akong crew sa isang restaurant. At isa sa mga kasama ko sa trabaho si Joy. Kaklase at kaibigan ko na siya simula pagkabata. Kung kaya't kilala niya na ang pamilya ko, at close din ako pamilya niya.
Makalipas ang ilang oras, ay nalalapit na matapos ang shift ko. Nasa kusina ako nang si Joy ay lumapit sa akin at bumulong.
"May nakita akong kamukha ng Papa mo." bulong niya at napahagikgik.
Napalingon naman ako sa kaniya at bahagyang napangiti.
"Hala we? Legit ba? Totoo ba talaga na kamukha talaga ni papa?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"Ay sus mamaya, hindi naman kamukha e. Huwag mo akong pinagloloko, Joy." pabirong banta ko pa sa kaniya.
"Seryoso ako, kamukha talaga hahaha."
Agad niya naman hinila ang braso ko at lumabas na kami sa kusina. Pagkarating ko ay agad kong nilibot ng tingin sa mga lamesa.
Napahinto ang paningin ko sa isang lamesa. Isang lalaki na sobrang pamilyar ng mukha. Oo tama nga si Joy, si Papa nga ito.
Akma ko tatawagin si Papa nang may pumasok na babae. Maganda at maputi siya, talagang nakuha at nabaling sa kaniya ang atensyon ko.
Tinitigan ko nang mabuti ang mukha ng babae.
T--teka bakit p-parang pamilyar?
YOU ARE READING
The Girl in the Raincoat
RandomThere is a girl who often wear raincoat. There is a reason why she always do that. The original photo was not mine, credits to the owner.