Maraming tao ang nagtataka kung bakit ako laging nakasuot ng raincoat, ang iba naman sa kanila ay iniisip na baliw ako. May malalim na dahilan kung bakit ako nakasuot nito.
Simula pagkabata, ay hilig ko na talaga maligo sa ulan. At habang umuulan, magtatampisaw at makikipaghabulan sa mga kalaro, maglalaro pa ng taya-tayaan.
Hanggang dumating ang unang araw ng Hunyo, ang unang buhos ng ulan pagkatapos ng dalawang buwang tag-init. Hindi na ako nag-atubili pa na maligo rito.
Ang saya at sarap sa pakiramdam, sobra. Yung tipong mga problema mo ay panandaliang malilimot mo.
Dahil sa sobrang galak na nadarama, hindi ko namalayan na may isang tao na nakabisikleta ang paparating. Sumisigaw ang lalaki na walang preno ang kaniyang bisikleta. Sobrang bilis ng takbo nito. At dahil sa gulat, hindi ako kaagad nakaiwas.
Sa isang iglap, naramdaman ko na lamang na tumama ang harap ng bisikleta na bakal sa dibdib ko. Dahilan upang kapusin ako ng hininga, at tuluyan akong nangiyak dahil sa panic.
Isang masamang alala.
--------------------------------------------------------------------------
Nalimutan kong ipakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Leah, labing pitong taong gulang. Simple lamang ang buhay na mayroon ako, pero kontento na rin ako. Nakatira kami sa isang maliit na bahay. Ang mama ko ay pasyente sa isang mental hospital. Ang papa ko naman ay nagtatrabaho kung kaya't isang beses lamang sa isang linggo ang uwian niya. Pero minsan hindi pa nakakauwi. Ang lolo at mas nakakabata kong kapatid ang kasama ko sa bahay.
Isa rin akong working student, para makatulong din ako sa pamilya kahit papaano.
YOU ARE READING
The Girl in the Raincoat
AcakThere is a girl who often wear raincoat. There is a reason why she always do that. The original photo was not mine, credits to the owner.