Tinitigan ko nang mabuti ang mukha ng babae.
T--teka bakit p-parang pamilyar?
Hindi ko maalala kung saan ko nakita ang mukha niya. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang sinusubukan na alalahanin iyon.
Habang nililibot niya ang paningin niya, may tumawag sa pangalan niya.
"Marian! Dito!"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.
Nangunot ang noo ko at nagtaka kung bakit tinawag ni Papa 'yong babae.
Ngayon ko lang napansin na buntis pala ang babae dahil 'yong tiyan niya ay mediyo nakalobo na.
"Leah, kilala mo ba 'yong babae?" bulong naman nito ni Joy sa'kin.
"Hindi e, pero parang nakita ko na siya." sagot ko naman sa kaniya at bumalik na muna sa kusina. Pagkabalik ko sa kusina, sinuot ko na ang gloves na ginagamit sa paghugas ng mga pinggan, baso etc.
Matapos ko hugasan ang mga ito, tinanggal ko na ang gloves. Nagpunas ako ng kamay doon sa tuwalya na nakasabit sa taas ng lababo. Tiningnan ko naman ang relo ko. Ilang minuto na lang pala at matatapos na ang shift ko. Kaya pumunta ako sa employee's cubicle, upang maghanda sa pag-uwi.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit sa bag nang si Joy ay patakbo na pumasok sa cubicle. Napatingin naman ako sa kaniya nang may halong pagtataka.
"Leah, 'yong papa mo at 'yong babae papaalis na. Dalian mo."
Napatayo naman ako sa sinabi niya, at dinalian na mag-ayos ng gamit.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting kaba nang mga oras na 'yon.
YOU ARE READING
The Girl in the Raincoat
De TodoThere is a girl who often wear raincoat. There is a reason why she always do that. The original photo was not mine, credits to the owner.