LANTAD
Dear diary,
Unique. Different. Unlikely.
Pinasadahan ko ang saya ko na ang sukat ay hanggang paa. Ang sleeve rin ng damit ko ay lagpas kamay. Wala akong kumikinang na alahas sa katawan at pintura sa mukha. Itim ang pantay kong buhok at nakatali iyon.
Pinagbabawalan akong lumabas ng simbahan, lalo na kapag gabi. Pinagbabawalan akong makipag-usap sa mga lalaki at magsuot ng mga kasuotan na aabot sa tuhod at siko ko.
Turo sa akin nina Sister na ikakapahamak ko raw ang mga ganung klaseng kaugalian na nakuha ng mga Pilipino sa mga banyaga.Gabi na.
Malayo ang narating ng mga paa ko at dinala ako nito sa bayan. Sa sentro ng Bayang Añiasa ang liwanag ng paligid ay nagmumula sa mga bumbilya ng mga tindahang nakapuwesto sa gilid ng kalsada. Sa kalsada ay ang mga taong namamasyal at tumitingin sa mga paninda.
Nakangiti ang mga tao sa paligid ko. Nakikisabay ako sa kanila at itinago ko nalang sa sarili ko ang katanungan kung bakit nagtitipon sila sa gabi at nagkakasiyahan sa harapan ng mga tindahan.
Nakikipagusap sa mga lalaki, maiiksi ang suot, at komportable ang mga babae na katulad ko ang edad. Hindi sila nasa pahamak bagkus ay nakangiti pa at nakikipagtawanan sa mga lalaki. Nasisimulan ko ng pagdudahan ang mga turo sakin sa simbahan.
Napadaan ako sa isang tindahan. Puno ng mga papel at notebooks ang display at dinadaanan lang ng mga tao. Simple at natural ang mga paninda niya. Sa kabila ng isang glass cabinet ay ang isang tindera na nakangiti sakin.
Ngunit, doon ako sa glass cabinet napatigil. Sa loob nun ay ang isang panulat na pinakasimple sa lahat ng simple. Kakaiba siya sa mga kumikintab at makabagong panulat. Kulay brown ito at gawa sa kahoy ang hawakan, sa tuktok ay may isang balahibo na nasisiguro kong balahibo ng peacock. Ang dulo naman ng panulat ay gawa sa metal na mukhang ukit sa panahon ng Kastila.
"Walang tinta yan, ineng. Kung ako sayo, itong mga glitter ballpen nalang ang bibilhin ko. Anong kulay ba ng tinta ng ballpen ang gusto mo?" Alok ng tindera.
Hindi ko hiniwalayan ng titig ang kanina ko pang inoobserbahan. Lumang panulat na gawa sa kahoy, ang labasan ng tinta ay gawa sa metal, at ang ulo naman ay may kulay asul at berdeng balahibo ng peacock. Sobrang simple at makaluma.
"Ano pong tawag dito?""H-ha?"
"Ito po." Tinuro ko ang panulat na iyon.
"Quill ang tawag dyan. 1300 years old na ang tanda at hindi na pinagkakainteresan ng mga tao. Balak ko sanang itinda sa mga antique collector kaso wala talaga eh. Walang balak bumili."
"Magkano po?"
"Hmmm...5000 pesos." Natutuwa niyang saad.
"Sabi niyo po wala ng tinta."
"1000 pesos nalang."
"Sabi niyo po luma na."
"500 pesos."
"Sabi niyo po hindi na pinagkakainteresan."
"Sige iyo na lang! Libre nalang para sayo at baka idemanda mo pa akong nagtitinda ng mga luma!" Binuksan niya ang glass cabinet at inabot sa akin ang quill. Kinuha niya mismo ang kamay ko,at nilagay ang panulat sa palad ko.
Agad akong nakaramdam ng kakaiba. Nanlamig at nanigas ako. Doon lang sa palad ko ang panulat at wala akong magawa kundi mapatulala sa bagay na nasa kamay ko.
"Miss!!!"
Napatingin ako sa gilid ko. Doon ay may grupong naghahabol at sa unahan nila ay ang tumatakbong lalaki na tagong tago ang mukha. He was covered in black clothing and even his face too, only his intense eyes I could able to see.
YOU ARE READING
To The Man I Love
General FictionI suffer --- not totally suffer since I am fine with it --- anyway, I have a rare case of Chromosome 6p deletion. In which I don't feel hunger, pain, and the need to sleep. I never once understood human relationships because I have never felt emotio...