ALIP-IP
Dear diary,
I spent my night at the corner of the street. Buong magdamag akong nakaupo sa gilid ng kalsada at nag-iisip ng paraan sa aking pagsisimulang buhay.
Narito ako sa sentro ng probinsiya. Parang bayan na rin, ang pagkakarinig ko ay second class municipality ang Añiasa. Imbes na manatili ako sa lumang mga building ay wala akong mapapala subalit pag dito ako sa sentro, baka may makalap pa akong impormasyon kung suwesuwertehin.
"Number 1," tawag ko sa batang babae na napadaan. Napahinto siya saglit, tumingin sakin tapos sa damit niya at tinuro ang sarili.
"Anong oras na?""6:30 am po." Tinuro niya ang damit niya.
"Hindi po number 1 ang pangalan ko."Iyon kasi ang nakasulat sa damit niya kaya yun ang tinawag ko sa kaniya. Tumango nalang ako sa kaniya at nilapitan siya.
Napatakip siya ng ilong, "Ang baho niyo po!"
"Pasensya na. May alam ka bang pwedeng pasukan ng trabaho dito?"
"Iyon po oh." Tinuro niya ang isang picture na nakapaskil sa poste. Isang litrato ng magandang babae, mukhang nasa edad na 20, at may hawak siyang pabango.
"Maganda ka naman po. Kunting ayos lang sayo, malalamangan mo na siya. Ang gagawin mo lang naman po ay magsusuot ng maiiksing kasuotan at magpopose sa camera.""Anong trabaho yan?"
"Modelling po."
"According to Merriam Webster Dictionary, modeling: one who is employed to display clothes or other merchandise. Iyon ba bata?"
"Ewan ko po! Malay ko! Basta yumg minsang humuhubad sa camera yun na yun!"
Inilingan ko siya, "Ibang trabaho? Yung simple?"
Bumusangot siya, "Maghugas ng mga plato at magwalis sa kalsada. Pumunta ka lang sa munisipyo at sila na ang bahala sa iyo."
Tulad nga ng sabi ng bata, dumiretso ako ng munisipyo. Aksidente kong nasalubong ang mayor at nang makita niya ang gusgusin kong itsura ay inutusan niya ang mga empleyado na ayusan ako.Tinuro nila sa akin ang banyo sa likod ng mga opisina. Nakaligo ako at nakapalit na rin ng kasuotan. Paglabas ko ng banyo ay agad akong inasikaso ng mga tao roon at inabutan ako ng trabaho.
"Gusto ko pong pasalamatan ang mayor."
"Umalis na. Magsisimula na ang eleksyon kaya sinuwerte ka kanina."
"Kelan po ako makakapagsimula?"
"Pwedeng ngayon na." Nilapagan ako ng almusal ng matandang babae sa maliit na mesa sa harap ko.
"Pero, pinag-utos ni mayor na huwag muna ikaw ngayon pagtrabahuin. Kung sa araw na kakailanganin mo ng maglinis, pumasok ka lang sa katabing kuwarto ng assistance office tapos kunin mo ang mga gamit sa pang labing pitong kabinet.""Anong oras po ba ang simula ng trabaho ko? At ano po iyong papasukin ko?"
"Community cleaning. Magwawalis ka sa kalsada at maglilinis ng mga kanal. Alas otso ang simula. Sa edad mong yan, iyon lang ang mga trabahong kaya naming ibigay sayo."
Yumuko ako ng unti at nagpasalamat. Inubos ko na rin ang hinain nilang almusal sa harapan ko. Maraming labas-pasok sa munisipyo at ang iilan ay napapatingin sa akin. Nasa receiving area kasi kami ngayon at sa bukana lang ito ng bukas na pintuan ng munisipyo.
"Aalis na po ako, salamat po dito." Tinaas ko ang isang plastik na may lamang mga damit at iilan kong kakailanganin. Iniisip siguro nilang pulubi ako, totoo naman iyon pero mahihirapan silang paniwalaan akong dinala ko ang mga gamit ko sa loob ng backpack na dala ko. Iniisip siguro nila na mga walang kuwentang bagay lang ang laman ng nasa likod ko.
YOU ARE READING
To The Man I Love
Художественная прозаI suffer --- not totally suffer since I am fine with it --- anyway, I have a rare case of Chromosome 6p deletion. In which I don't feel hunger, pain, and the need to sleep. I never once understood human relationships because I have never felt emotio...