"Tutunga- tunganga ka na naman diyan?"
Nakaupo ako ngayon habang nakapangalumbaba, naghihintay na baka sakaling masilayan ko siya. Ano bang oras na? Mag- aalas siete na ah, wala parin siya.
"Paki mo ba? Edi tumunganga ka rin." Bored na sabi ko. Minsan talaga, panira ang panganay. Panira 'tong ate ko.
"Sus, gusto mo lang masilip yung crush mo eh. Ano umuwi na ba?" Usisa niya sa akin. Naka- crossed arm pa talaga.
"Hindi pa umuuwi 'no? Baka kasi nakipag- date sa girlfriend." Pang- aasar niya, napasimangot tuloy ako.
"Ate pwede ba doon kana sa loob? Wala kang sinasabing matino." Asar na sabi ko. Unti- unti na nga akong pinanghihinaan ng loob tapos dadagdag pa 'tong sinasabi ng bruhang 'to.
"Psh. Bahala ka sa buhay mo, papakin ka sana ng lamok diyan. Hindi ka naman kina- crush back!" Malakas na sabi niya sabay pasok sa loob ng bahay. Sisigawan ko sana siya kaso pagkalingon ko ay nakita ko ang kanina ko pa hinihintay, naiwan tuloy nakabukas ang bibig ko, agad ko namang itinikom at baka mapasukan ng langaw. Saglit lang siyang tumingin sa gawi ko at dire- diretso nang pumasok sa loob ng bahay nila. Kahit ganoon, pakiramdam ko namumula ang pisngi ko. Ganoon ko ba talaga siya ka- crush para mamula ng husto ang pisngi ko? Psh. Baliw ka na.
---
"Hoy, gising na! May pasok ka pa señorita, aba!" Malakas na bulyaw ni Ate na nagpagising sa akin. Pupungas- pungas akong bumangon. Kinakapa ko pa kung may muta ako o namuong panis na laway sa gilid ng labi ko.
"Ingay mo," pahikab kong sabi.
"Aba't talagang mag- iingay ako eh may pasok ka eh! Mag- aalas otso na hoy! Late ka na naman sa klase tsaka hindi mo na naman makakasabay ang crush mo, tungek!"
Dahil sa sinabi niya ay nagising ata ang tulog kong diwa. 7:30 ang time namin sa school, hindi ako pwedeng ma- late dahil may exam kami sa first subject. Napamura tuloy ako.
Agad akong pumasok ng banyo at hindi ko na inintindi ang pinagsasabi niya pa. Mabilis akong naligo, after five minutes lang ata ay tapos na ako. Pagkabihis ko ng uniporme ay kinuha ko na agad ang bag ko at cellphone ko na nasa tabi ng kama. Agad akong bumaba para kumuha ng tinapay, kahit 'yon nalang. Pampalipas lang ng gutom.
Pagkarating ko sa kusina, kumuha agad ako ng tinapay at pinalamanan tapos inilagay ko sa plastik at pinasok ko sa loob ng bag. Sa may sala ay naandoon si ate, kalpanteng nakaupo ngunit tatawa- tawa, animo'y natatae.
Umupo ako sa may tabi niya para magsapatos. Hindi na ata nakatiis kaya bumunghalit ng tawa. Nakakunot noong tiningnan ko siya. Nababaliw na ata ang isang 'to.
"HAHAHAHAHAHAHA pota!" maiyak- iyak pang sabi niya habang tumatawa.
"Para kang tanga," iiling- iling kong sabi.
"Ikaw ang tanga! Tumingin ka sa orasan! Tingnan mo kung ano ang oras na!" Nakahawak sa tiyan na sabi niya. Kinapa ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na.
"TARAGES KA TALAGA, FIVE A.M PALANG, HAYOP KA!" Ibinato ko sa kaniya ang hawak kong sapatos dahil sa sobrang pagkainis. Ang gaga't nakailag! Ginising ako ng sobrang aga! Akala ko pa naman late na nga ako, ang walanghiya talaga!
"AHAHAHAHA SINABI KO LANG NA BAKA HINDI MO MAKASABAY ANG CRUSH MO NAGTATAKBO KA NA SA BANYO!"
"NI HINDI KA MANLANG TUMINGIN SA ORASAN MO, O HINDI KA MAN LANG NAGTAKA NA HINDI TUMUNOG ANG ALARM CLOCK MO BOBA!"
"Pagtalaga sa crush mo natatanga ka!" Hindi parin matigilang tawa niya. Iyamot na iyamot tuloy ako. Hindi ko napansin na nakajogging outfit siya. Kapag kasi magjajogging siya ay alas sais para maliwanag na, para makaiwas papaano sa disgrasya, maaga lang talaga siyang nagigising kaya ako ang pinunterya. Kaadwa eh, kung hindi ko lang 'to kapatid ibinenta ko na laman- loob nito sa black market, magkakapera pa ako.
BINABASA MO ANG
THE EVERY SIDE (ONE SHOT COMPILATION)
General FictionOne Shots Compilation Written by: beaumore