PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA 4.1

7 1 0
                                    

"Ate, pahiram cellphone."

Pagkatapos niyang gamitin ang de- keypad na cellphone ay hiniram ko agad. Nakasimangot na inabot niya sa akin iyon.

"Ayan, tatanga- tanga kasi, may cellphone nang touch screen pinabayaan. Sira tuloy, imbes na nagagamit mo! Ilang buwan lang ba 'yon sa 'yo?"

Napaikot ko nalang ang mga mata ko. Hindi lang sampung beses na tinanong niya sa akin yon, maging sila nanay! Tsk. Eh siya hindi ko naman sinasadyang masira eh! Yung una ko kasing cellphone, binili sa akin nila nanay kaso china phone kaya ilang buwan lang sira na agad, lumobo ang battery. Yung pangalawa naman, pinadalhan ako ng auntie ko na nasa ibang bansa ng pera para pambili ng cellphone. Cherry mobile lang ang kasya pero atleast maganda- ganda na. Ilang buwan nga lang, lumubog yung pindutan ng cellphone sa gilid tapos nadapa pa ako habang nagpapatintero, take note! Hawak ko yung cellphone kaya ayan! Nasira din! Wasak! Laki- laki ko na kasing tao nakikisali pa sa mga bata ng patintero, ayan tuloy. Tatanga- tanga talaga ako!

Anu bayan! Ang hirap- hirap pindutin ng keypad ha! Tapos ang ingay pa kasi kakapindot, tsk. Pag talaga ako nagka cellphone ulit, itataga ko sa tsismosa naming kapit- bahay na iingatan ko na ang magiging cellphone ko! Hmp, pangako yan!

Mga ilang minuto akong naghihintay para malog- out ko yung fb account ni ate sa keypad. Kahit kasi de- keypad lang tong cellphone nato, nakakapag online naman, kaso tsagaan lang. Kailangan ng mahabang pasensya at malakas na resistensya! Charot lang! Malakas na signal ang kailangan hehe.

Buti nalang naka- save na dito account ko at hindi na kailangang i- type ang password, hindi naman kasi ito papakialaman ni ate at wala namang nagtsa- chat sa akin kaya keri lang.

Agad kong pinindot ang messages dahil baka may mga chat na sa gc o baka may nagpi- pm na sa akin kaso wala, olats lods. Sabagay, tahimik ang gc kasi christmas vacation namin at abala ang mga kaklase ko sa kaniya- kaniyang buhay. Mga asaran at kulitan lang ang mababasa sa gc.

"Hala putsa! December 24 na?" Napalakas ang boses ko kaya sinigawaan ako ng bunso kong kapatid.

"Pasko na pala bukas wala man lang akong kaalam- alam." Sabi ko sa sarili. Hindi ko namalayan na pasko na bukas, anak ng tokwa busy kasi ako sa pagbabasa ng mga pocket book at panonood ng teleserye sa tv, korean drama, cartoon ganern. Walang kwentang christmas vacation.

Mga bandang alas onse ng gabi ay gising parin ako, meron ng iba na nagcha- chat sa akin at bumabati ng maligayang pasko. Ilan lang din ang binati ko kasi nakakatamad mag type at keypad lang ang gamit ko.

"Hi, Samara. Bago sana magpasko, may gusto akong sabihin sa iyo."

Pagkabasang- pagkabasa ko nun ay agad akong napabalikwas ng bangon.

"Sino yung nag- chat?" Tanong ko sa sarili. Jy ang pangalan, pamilyar parang kabatch ko.

(Pronouns as Dyay)

Agad kong binuksan iyon at nag type.

Samara:
Huh? HAHAHAHA ano 'yon?

JY:
Hi. HAHAHA nakakahiya pero ano kasi

Siya diyan ang magcha-chat tapos siya pa ang mahihiya. Wow, lakas ha.

Samara:
Ano nga 'yon? Hindi naman ako magagalit.

JY:
Gusto kita

Ano raw? Gusto niya ako? Kalokohan ba 'yon? Meron bang ganon? Magcha- chat tapos sasabihin gusto ka? Baka naman prank. Anyan, vlogger ba siya para mang- prank? Kaso di lang naman vlogger ang nagpa- prank, duh.

THE EVERY SIDE (ONE SHOT COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon