Sa pangalawang pagkakataon, naranasan ko ulit na hindi ako maihatid niya. I mean, sige tanggap ko pa nung unang beses kasi sinabi ko naman na umuwi na siya at huwag na akong ihatid pero ngayon argh! Sobrang nakakainis!
Galing ako sa bahay ng kaklase ko kasi birthday niya, madadaan yung bahay nila kaya habang magkachat kami kanina, sabi niya aabangan niya raw ako para maihatid pauwi. Dahil nagkakasayahan pa kaming magkakaklase at nagkakantahan sa videoke, mga alas nuwebe na ng gabi kami nakaalis sa bahay ng kaklase kong may birthday. Nanghirap ulit ako sa isa sa mga kaklase ko ng cellphone para ichat siya na naglalakad na kami pababa at hintayin niya nalang ako. Buti nasa computer shop pa siya at online. Nasira kasi cellphone niya kaya no choice siya kundi computer shop, buti nalang malapit lang sa kanila ang shop at ilang lakad lang.
Nang malapit na kami sa may computer shop kung nasan siya, nagbilang nalang ako ng ilang segundo kung lalabas ba siya. Rinig niya naman ang boses naming magkakaklase kasi marami kami at maingay sa daan, siguro mabobosesan niya kami. Kaso wala pala siya sa shop, nakaraan kami sa kalapit na tindahan at naandon siya, may binibili lang. Nang makita niya ako ay sinabayan niya ako sa paglalakad para nga ihatid na. Siyempre tinutukso na naman kaming dalawa. Kaya nasa likod lang kami at minsan- minsan mag- usap.
"Hindi na kita maihahatid," sabi niya. Bigla akong napatingin sa kaniya.
"Huh?" Eto na eh, naglalakad na tapos hindi na naman maihahatid.
"Hindi na muna kita maihahatid, hindi ko kaya." Ano raw? Gulo niya ha.
"Anong di kaya?" Tanong ko.
"Tsk. Sige na, umuwi kana. Wag mo na akong ihatid, kasabay ko naman mga kaklase ko." Katulad ng nauna, nagpaalam agad siya at umalis na, lumakad pabalik kung saan siya galing.
Naiinis akong nakisabay ng lakad sa mga kaklase ko.
"O asan na si Jy?" Tanong ni Iya.
"Umuwi na," matabang na sabi ko.
"Huh? Bakit umuwi?" Nagkibit- balikat nalang ako.
Sobra akong naiinis kasi hindi niya na naman ako naihatid. Bwisit! Anong di kaya? Nakakaiyamot siya! Bakit ko pa kasi nireplyan after nung first na hindi niya paghahatid sa akin? Dapat umayaw na ako eh! Dapat niseen ko nalang! Nubayan, nakakasura talaga. Hindi ko na siya rereplyan.
Hanggang sa makauwi sa bahay ay medyo mabigat ang loob ko. Naiinis sa nangyari.
Dahil tulog na si Ate pagkauwi ko, kinuha ko sa ulunan niya ang cellphone. Nag online ako at nakitang may chat siya.
JY:
Nakauwi kana?Hindi ako magrereply! Pagkatapos niya akong hindi ihatid, hmp! Mababaw na kung mababaw pero shet siya!
JY:
I'm sorry 'di kita naihatidHindi pa rin ako magrereply!
JY:
Alam ko galit ka, pero hindi ko lang talaga kayaAnong 'di kaya? Anyon, di niya kayang maglakad?
JY:
Uy, sorry. Sam!Tsk!
Samara:
Anong 'di kaya?Sabi ko hindi na ako magrereply eh! Tsk, okay sige. Curious lang.
JY:
Sinisingga kasi akoSinisingga? Ano yon baliw siya? Sinisingga ng kabaliwan? Joke.
Samara:
Sinisingga ng?JY:
Sinisingga ako ng ulcer ko. Tinitiis ko lang kasi pero hindi ko na kinayang maglakad, sobrang sakit na talaga. Sorry, 'di ko nasabi agad.
BINABASA MO ANG
THE EVERY SIDE (ONE SHOT COMPILATION)
قصص عامةOne Shots Compilation Written by: beaumore