Tapak sa langit

3 0 0
                                    

Tapak sa Langit

By. BlueMoon

Sana kahit minsan

Ako ay iyong paniwalaan.

Sa mga kwentong pqra sa iyo

Ay likhang isip ko lamang.

Sana kahit minsan

Bigyan ako ng pansin.

Tao ako at hindi utusan,

Napapagod at minsa'y nahihirapan.

Sana kahit isang saglit

Ako'y payagang makalaya.

Sa mga hawla't tanikala

Sa pagkagapos at pangungulila.

Sanay kahit isang araw

Hayaan akong mabuhay.

Mabuhay ng walang takot,

Pangamba at pagkabalisa.

Sana iyong pakinggan

Paghingi ng kapatawaran.

Mula sa pagkalagapak

Ako ngayo'y nagdurusa.

Kamalian at kasalanan

Palitan ng kabutihan

Kung iyo lamang pahintulutan

Akong sa apoy ay itaas.

Kumukulong putik at apoy

Sakit sa bawat pagdurusa.

Luha ng paghihinagpis,

Sa'king mukha'y tumatangis.

Sana kahit isang saglit

Mabago ko pa ang lahat.

Baluktot ay utuwid

At makaapak na sa langit.

Blue Moon's  CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon