Sa sinabing iyon ni itay lalo akong nagsumikap natapos ako ng elementarya hindi man honor pero may mataas na marka. Napili akong bigayan ng scholarship ng isang pulitiko sa bayan, laking tuwa ni Inay pati narin si Itay.
Pasukan na noon, unang araw ko sa.klase. Masaya ang naging takbo ng araw bilang isang ganap na high school student.Pag uwi sa bahay nagulat ako. May mga ilaw at mga tao na nag uumpukan. Si Inay, lumapit ako sa kanya umiiyak. Lumapit ako sa kabaong, tinitigan ko ang Itay! Wala na ang itay. Sabi ni Inay nabaril daw si Itay, may mga laki raw na pinagbintangan si Itay na nagnakaw. Alam ko sa sa sarili kong hindi niya kaya iyon. Walang kasalanan ang itay subalit hindi man lang nila binigyan ng panahong siya'y makapagpaliwanag. Noo'y dahil sa galit aking itinatak sa isip na kahit anong magyari hindi ko hahayaang mawala ang mga pangarap ng Itay. Iaahon ko ang pamilya ko sa hirap at kahihiyan na ibinigay nila. Ang mga maling paratang at pagkukutya. Pinilit kong makatapos ng high school, Masakit pero hindi ako pinapanghinaan ng loob. Gustuhin ko mang sumuko ngunit hindi maaari dahil sa mga pangarap ko. Malayo na ang narating ko, wala na rin naman akong gustong pagsisihan ngayon. Lahat na ng raket pinasukan ko. Boy, tsimoy, taga tinda ng yosi, nag tutor at ilan pang legal na trabaho masuportahan lang ang pag-aaral ko. Ang inay hindi siya nagpadala sa lungkot, lagi din niya akong pinapangaralan na pagbutihan ko ang pag-aaral. Sa awa ng lumikha at sa pagsisikap naming mag ina naitaguyod ko ang aking pangarap. Nakapagtapos ako ng kursong Batsiler ng Agham sa Komersyo. Hindi ko binitiwan ang mga mithiin ko, hindi ako nagpatalo sa hirap ng buhay, sa pang aalipusta at pangngungutya ng ilang walang magawa kundi ang manira ng buhay. Isa isa ko nang nakamit ang mga bagay na noo'y pinangarap ko lamang, mga bagay na pag-aakala ko'y sa mga panaginip ko lamang makakamtan. Hindi na namin kailangan pang gumising ng Inay ng maaga para kumuha ng isdang ititinda. Hindi ko na kailangang makipag siksijan sa masikip na langsangan upang naghanap buhay. Hindi na rin namin nararanasan na tumulog ng kumakalam ang tiyan. Tama ang sabi sa akin ng Itay noon at hanggang ngayon nakatanim ito sa isipan ko.
"Ang mga bagay na pinagsisikapan at pinaghirapan ay napakasarap ipagmalaki. Masarap ipagsigawan na naabot mo lahat ng pangarap mo sa malinis na paraan, wala kang tinapkang tao o dili kaya'y wala kang mga maling ginawa."
Sabi nga nila ang buhay natin ay puno ng pagsubok at hamon. Kapag bumigay ka matatalo ka kaya hangga't kaya mong lumaban pilitin mo. Walang problema o hadlang na hindi malulutas tiwala sa sarili, pagsisikap at panalangin. Iyan ang mga sangkap na lagi mong dapat dala sa bawat takbo ng orasan. Hindi uunlad ang isang tao kung hindi siya gagawa ng paraan. Ako si Roy, isang taong puno ng pangarap at may pagsisikap.
"Okay very good piece Nathan may mga error but your story was nice. "
Hay. Salamat buti nalang nagustuhan ng professor ko yung short story dalian pa naman ang paggawa ko nun.
"Okay class I have decided that all of you will be exempted on this term's examination. Marunong akong tumupad sa usapan but because you will have no test magbibigay ako ng isang oral exam para malaman ko ang mga pinag gagagawa ninyo sa itas ng klase ko okay?"
"What? May exam pa din? Naman o nagpakahirap pa naman ako dun sa.story ko, akin na nga yung napili pero sa lahat ng ayoko.ay oral exam" bulong ko sa katabi ko habang nagdadadakdak si Mrs. Eloisa sa unahan.
"Class let me remind kapag na kapag nagsasalita ako sa unah ayoko yung nagbubulungan unless related sa topic right Mr. Nathaniel de Chavez?"
Patay. Nahuli pa nga ako hay malas naman.
" Ah.. ahm yes ma'am."
"Then good. By the way please prepare yourselves for our oral exam next meeting. That's all for today".
Hay nako parusa din talga yung prof. Eloisa na yun.
"well Nathan thanks for your shorth story atleast wala ng written exam." pasasalamat ng aming class president.
"Walang anuman. Mani lang naman yun"
"Yabang mo tol!" pang aalaska ni Jhonny
"Sige na at baka mamaya abutan pa tayo ng susunod na klase dito. Mapagalitan pa tayo nung professor nila."
"Syanga pala Nathan parang ang lalim nung story mo. May pinaghugutan kaba dun?" tanong ni president Carl
"Ah,, wala likhang isip lang talaga yan"

BINABASA MO ANG
Blue Moon's Collection
Short Storycompilation of poems and short stories that i made.