Exemption Piece part 1

4 0 0
                                    

Exemption Piece

by: bluemoon

Minsan sa aking kamusmusan habang naglalakad sa gitna ng maputik na daan nangarap ako. Pag laki ko hindi na ako mahihirapan, pag laki ko hindi na ako maiingit sa mga batang may magagarang laruan. Doon sa puntong iyon nagsimula ang lahat, ang aking pagkatao at ang isang ako.

Roy. Oo ako si Roy hindi tulad mo lumaki ako sa hirap. Grade one pang ako kasama na ako ni inay sa aplaya tuwing madaling araw para kumuha ng isda na ibebenta. Sabi nya sa akin noon kailangan ko raw magsikap dahil hindi lahat ng gusto ko kaya nyang ibigay. Tumagal ang panahon lumaki ako, sapat na ang aking gulang upang tulungan si itay sa kabukiran. Pagsapit ng sabado makikita mo ako sa isang malawak na lupain hawak ang araro. Nagbubungkal ng lupa upang tulungan si Itay sa lupang sinasaka pantustos sa pag aaral. Tuwing linggo naman ay nasa tapat ako ng simbahan may dalang mga sampagita at ilang ilang. Kumakayod, nagta-trabaho para sa pangarap ko. Grade 6 na ako at malapit ng mag hayskul, sabi ni Itay "anak panatilihin mo ang maganda mong marka, alam mo ma iginagapang ka namin ng Inay mo sa pag-aaral pap

ra di ka matulad sa amin sana huwag mong sasayangin ang bagay na ito".

Blue Moon's  CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon