Chapter 22: Quality Time

512 22 2
                                    

(Author's Note: Some part of the story has a kissing scene)

"Ken and Liza"

Ken's POV

Sunday ngayon at yayayain kung mag date si Liza, actually private date lang kasi dipa alam ng buong mundo na may girlfriend nako. Pinagbabawal kasi samin ang magka girlfriend kasi sinusunod namin ang Korean Policy ng mga K-POP kasi under kami sa Korean agency.

Andito kami sa sala may kanya-kanyang mundo. Si Justin nagdadrawing, si Stell naman as usual nasa kusina nagluluto ng kung ano-ano, si Sejun nasa kwarto gusto ng tahimik kasi gumagawa ng kanta para sa comeback namin. Si Josh naman as usual din ayon tulog na naman lolo Josh niyo.

Si Y/n naman nasa kwarto niya lang at nililinisan niya daw yung mga merch na naka display at tatapusin niya daw yung story na ginagawa niya sa wattpad. Titext ko muna si Liza about sa lakad namin mamayang gabi.

Babe🥰

"Hey Babe let's have dinner tonight at 6:00 pm susunduin kita sa inyo later" text ko sa kanya.

"San tayo pupunta Felip?"

"Basta Sunduin na lang kita later, love you"

"Okay Fine, I loveyoutoo" reply niya.

Napangiti ako sa huling reply niya at di ko namalayam na nakita pala yun ni Jah.

"Laki ng ngiti natin jan Ken ahh" pang-aasar niya pa.

"May dinner date kasi kami ni Liza mamayang gabi" kalmado kung sabi.

"Ah sakto pupunta ba kayong mall?" tanong niya pa.

"Oo bakit? May papabili ka?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Oo sana, papabili sana ako nang Sketch pad at brush pen, paubos na kasi yung akin eh" sabi niya pa.

"Sige bibili ako, text mo lang sakin yung brand ng ginagamit mong sketch pad at brush pen"

"Sige, salamat Ken" sabi pa ni Jah.

"Sino aalis?" biglang sigaw ni Stell.

"Ako" sigaw ko pabalik.

"Ken may papabili sana ako kung okay lang"

"Ano yun?"

"Baking needs sana" nakangising sabi ni Stell.

"Madami yan dinako pupuntang grocery" reklamo ko pa.

"Ahh ganon ba, anong oras ka ba kasi aalis?" tanong pa ni Stell.

"6:00 ng gabi"

"Ako na lang talaga ang bibili" sabi pa niya at bumalik na ng kusina.

"Nabo-bored ako tara pool tayo Jah" anyaya ko sa nagdadrawing na Justin.

"Tara parang gusto ko din maligo ehh" sagot naman ni Jah at niligpit na ang gamit niya.

"Lagay ko na muna to sa kwarto tas sunod nako sa pool" dagdag niya pa at umalis na.

Pumunta akong kusina para yayain si Stell na magpool.

My Protective Brothers [Completed]Where stories live. Discover now