Chapter 61: Bunso Line

377 25 4
                                    

Josh POV

Alas sais pa lang ng umaga at gising na kaming tatlo nila Stell at Sejun. Pati din si Mommy gising na para ipaghanda kami ng agahan para daw busog kami habang nasa byahe.

Ngayon kasi ay susunduin namin ang aming mga biological family para dito na mag celebrate ng christmas eve sa bahay.

Nakaligo na ko at kaagad bumaba para maka-kain na.

*Josh Outfit*

(Photocredits to Josh Cullen Santos Official Social Media Accounts)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Photocredits to Josh Cullen Santos Official Social Media Accounts)

"Goodmorning Mom" bati ko kay mommy at hinalikan siya sa pisnge.

"Goodmorning sa panganay ko, maupo kana at malapit nakong matapos"

"Sige po, Mom si Y/n gising na?"

"Di pa ata ehh, Dad mo na lang gigising sa kanya"

"Okay"

"Goodmorning" sabay na bati ni Pablo at Stell.

"Goodmorning, upo na kayo" sabi pa ni Mommy sa kanila.

"Magsasando ka lang?" nakakunot noo kung tanong kay Stell.

"Hindi ahh nasa sala yung jacket ko"

Habang hinihintay namin si mommy matapos sa pagluluto dumating na din sila Dad kasama ang tatlong bunso.

"Goodmorning maknaes" bati ni Mama sa kanila.

"Goodmorning Eomma" sabay nilang bati.

Kumain lang kami at sasama pa sana si Y/n sakin kaso may lakad pala sila ngayon kaya hindi na lang daw siya sasama.

"Oh mag-ingat kayo sa byahe ahh" paalala pa ni Mommy saming tatlo.

"Dahan-dahan sa pagmamaneho, wag basta bastang mag oovertake", dagdag pa ni Dad.

"Mag text kayo pag malapit na kayo sa inyo, and mag text din kayo pag pauwi na kayo dito para sabay-sabay tayong magdidinner lahat"
nakangiting saad ni Mommy.


"Opo mom iuupdate namin kayo" nakangiting sabi ni Stell.

"Alis na po kami para madali lang kaming makarating, ba bye po" paalam ko at niyakap si Mommy at Daddy.

"Bye Mom, bye dad" si Pablo.

"Bye dad, bye mom, sana di sasakit ang ulo niyo sa bunso line" pabirong sabi ni Stell kaya nagsitawanan lang kami.

"Bye Kuya Mag-ingat po kayo" sabi pa ni Y/n samin at sumakay na kami sa kanyakanyang sasakyan.

Kami ni Pablo ang magkaparehas ng daan since kami yung kababayan at si Stell naman patungong North.

Bago kami maghiwalay ng daan sinenyasan lang namin si Stell at ganon din siya samin.

Tinawagan ko na si Mama gamit ang bluetooth sa kotse ko.

My Protective Brothers [Completed]Where stories live. Discover now