Chapter 40: Malabon

385 20 6
                                    

Justin's POV

Gumising ako ng maaga dahil ngayon ang alis namin ni Y/n papuntang Malabon. Dadalawin ko ang biological family ko. Nakapag-empake nako kahapon pero idodouble check ko na lang baka sakali may makalimutan ako.

Isang maleta at isang travelling bag ang dala ko kasi after namin sa Malabon ay didiretso na kami ni Y/n sa Tagaytay. Ngayon din pala ang alis nila pa Tagaytay kaya malamang gising na din ang iba at naghahanda na.

Naligo na muna ako at nag suot ng comfortable na damit para sa byahe.

*Justin's Outfit*

(Photocredits to Justin De Dios Official Account)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


(Photocredits to Justin De Dios Official Account)

Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay may kumatok.

"Pasok" sabi ko na lang at nagpatuloy sa ginagawa.

"Goodmorning Kuya" sigaw ni Y/N at niyakap agad ako.

"Nagulat naman ako dun, goodmorning din sa mahal kung prinsesa" sabi ko at niyakap din siya.

"Excited ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman kuya excited nakong makita sila Kuya Yani at Kuya Cj lalong-lalo na sila Mama Gema" nakangiti niyang sagot.

"They are also excited to see you baby" sabi ko at pinat ang ulo niya.

"Ready naba mga gamit mo?" tanong ko pa.

"Opo kuya nakahanda na" sagot naman niya at nahiga sa kama ko.

"Eh yung mga gamot at yung nebulizer mo?" paalala ko pa.

"Ready na kuya nasa isang bag na yun" sabi niya pa.

"Ilang bag ba dala mo?"

"Bali apat po lahat isang maleta, traveller bag, at dalawang bagpack"

"Ang dami naman ata?"

"Kuya babae ako and yung isa dun is yung medical equipment ko" sabi niya pa. Well babae nga naman maraming gamit.

"Justin, Y/n kain na" sigaw ni Ken kaya bumaba na kami ni Y/n.

"Ready naba yung mga gamit niyo?" tanong ni Josh samin.

"Yes" sabay naming sagot. Kaka alas sais pa lang ng umaga pero gising na gising na kami  dahil nadin sa excitement.

"Sweetie mga gamot mo dala mo ba?" tanong ni Ken.

"Opo nasa bag na po" sagot ni Y/n.

"Nebulizer?" tanong din ni Pablo.

"Yes po ready na din"

"Sino bang di makakalimot niyan eh apat na bags lahat ng dala ni Y/n" sabi ko at natawa kaya natawa din sila.

Tapos na kami kumain at naka-upo na lang kami sa sala at hinihintay sila.

"Goodmorning" bati agad ni Liza, Leah at Alex.

My Protective Brothers [Completed]Where stories live. Discover now