Prologue

55 7 0
                                        

"Ma, will you please, tigilan mo na ang kakareto sa'kin sa pangit na 'yon." 

Napahinto si Shan sa paglabas  ng guest room. Boses ni Lee ang naulinigan niyang iyon. Sino kaya ang tinutukoy nitong pangit na nirereto dito? Kinakabahang kumubli siya upang hindi makita ng mag-ina.

"Lee, anak, don't say that to a girl. It's not right to say about a girl. At hindi pangit si Shan. May himig ng pagkainis ang tinig ni Tita Carla. Nanlaki naman ang mga mata ni Shan pagkarinig sa pangalan niya. Kung ganoon ay siya pala ang tinutukoy ni Lee na pangit.

"Pangit siya Ma. Tingnan mo naman ' yong buhok niya. Parang kinuryente. Kulot na kulot at naninigas. Tapos ang itim pa niya. Mukha siyang kaning nasunog," patuloy ni Lee.

Naningkit ang mga mata ni Shan. Tila tinusok ng maliliit na karayom ang puso niya at pagkatapos ay piniga pa. Maraming beses siyang humugot ng hininga. Mariing pumikit upang pigilang bumagsak ang mga luhang biglang namuo sa mga mata. Ilang minuto rin siyang nakatayo lamang doon at hindi makakilos. Hindi siya makapaniwalang narinig niya ang lahat ng iyon mula kay Lee.

"Lee!" shocked na sambit ni Tita Carla. Parang nakikinita ni Shan ang nanlalaki nitong mga mata na nakatitig kay Lee sapagkat tulad niya hindi rin ito makapaniwalang sinabi ang mga iyon ng unico hijo nito. Sobrang bait kasi ni Tita Carla. Soft-spoken ito at palagi nang mahinahon kung magsalita. Hindi mo ito mariringgan ng mga salitang mapanlait sa kapwa. Kaya naman tila natauhan si Lee.

"I'm sorry, Ma. Ikaw naman kasi eh. Tigilan mo na'ng kakareto sa'kin sa babaeng 'yon. She's not my type, okay."

"Lee! Diyos kong bata ka. I really hope you  wouldn't swallow your own words pagdating ng araw, anak."

Hindi na narinig ni Shan ang mga sumunod na sinabi ni Lee sapagkat lumabas na ito ng kusina ayon sa papahinang boses nito. Natahimik na doon  at naririnig na lamang niya ay ang kilos ni Tita Carla at kalansing ng mga baso at pinggang nilalagay sa lababo. Nang matiyak ni Shan na ito na lang ang naroon ay  saka siya lumabas mula sa pinagkukublihan.

"Good morning po, Tita Carla. Tulungan po kitang magligpit," nakangiti niyang bati rito na tila ba hindi kumikirot ang puso.

"O, Shan. Gising ka na pala. Halika at mag-almusal ka na." Naglagay pa ito ng pinggan sa mesa para sa kanya kaya agad niya itong pinigilan.

"Ako na po ang bahala, Tita Carla. Sanay naman po ako. Hindi naman ito 'yong unang pagbabakasyon ko dito sa inyo. Kaya hindi na po ako bisita." Natatawa niyang sabi.

"Ah, oo, hija, kaya feel free to do what you want to do. Enjoy your vacation. Ituring mong sa'yo rin ang bahay na ito."

"Opo, Tita Carla. Thank you po."

"O siya. You're always welcome hija. Pagkatapos mo ay iwan mo na lang diyan sa lababo. Si Agnes na ang bahala riyan. Gumayak ka na agad at mag e-SM tayo ng sa ganoon ay makapamasyal ka naman. Iwan na rin muna kita riyan at gagayak na ako."

"Opo, Tita. Salamat po ulit," habol niya sa papaalis na si Tita Carla.

Nang maiwang mag-isa ay hindi rin agad makakain si Shan. Nawala na ang gutom niya kanina. Ilang beses na nag-rerewind sa utak niya iyong mga narinig kanina. Masakit pa rin ang pakiramdam ng dibdib niya. 

Bakit hindi? Si Lee ang dahilan kung bakit gustong-gustong niyang magbakasyon sa mansyon ng mga Montecillo dito sa Maynila. Sobrang crush na niya ito noong doon pa nakatira sa Santa Catalina ang pamilya nito. Matalik na magkaibigan ang ama niya at ama ni Lee. Magkatabi kasi ang lupain nila at ang Hacienda Angelina na pag-aari naman ng mga Montecillo. Napakalawak ng lupain ng mga ito at halos sakupin na ang buong bayan.

Ang kanila naman kapirasong lupain lamang ngunit dahil nga magkatabi ay naging magkaibigan na rin ang kanilang mga pamilya.

Dati rin namang nakatira sa Santa Catalina ang mag-anak kaya halos lumaki rin silang magkasama ni Lee. Palagi rin itong lumilipat sa kanila para makipaglaro sa kanya at sa kuya niya. Ganundin siya. Palagi siyang naroon sa ancestral house ng mga Montecillo. 

Nang makatapos ng elementarya si Lee ay agad lumipat ng Maynila ang mag-anak upang mag-aral at asikasuhin ang negosyo ng pamilya nito. Padalaw-dalaw na lang sa probinsiya upang bisitahin ang abuwelo at pagbalik sa Maynila ay isinasama naman siya ni Tita Carla lalo na kung natatapat na bakasyon tulad ngayon.

Kahapon ay dumalaw  sa Santa Catalina ang mag-asawang Tita Carla at Tito Leandro. Hindi  kasama si Lee kaya nga kahapon lang niya ulit nakita pagkaraan ng isang taon. Madalang na kasing sumama sa probinsiya. Kaya nga tuwang-tuwa siya ng ipinagpaalam siya ni Tita Carla sa ina na isasama dito sa Maynila. Ibabalik na lang daw pagkaraan ng ilang araw. 

Pagdating nila kahapon may tatlong kalalakihan at isang babae na kaedaran ni Lee. Mga kaibigan marahil  nito. Sinulyapan siya ng mga ito pagdaan niya sa sala. Nakay Lee  naman ang tingin at buong pansin niya. Tinapunan niya ito ng pagkatamis-tamis na ngiti. Deadma naman ng lalaki. Walang kaekspre-ekspresyon sa mukha. Para nga hindi siya kilala eh. Imposible iyon sapagkat wala namang nagbago sa mukha niya. Tumangkad lang siya ng kaunti.

Pero si Lee grabe ang ipinagbago. Dati na itong gwapo at ngayon super drop dead handsome is an understatement. Lakas ng kabog ng dibdib niya pagkakita rito. Ano pa't bagay na bagay rito ang may hawak ng gitara. Ano'ng edad na nga ba ito? Sixteen dahil mas matanda ito ng dalawang taon sa kanya.

"Dumeretso ka na sa guest room at dalhin ang mga gamit mo roon," ani Tita Carla. Kaya naman binilisan na niya ang paglalakad. Rinig niya ang bulungan ng grupo ni Lee ngunit  niya maintindihan.

Hindi namalayan ni Shan pumatak na pala ang luha niya sa pinggan. Agad niya itong pinalis ng daliri. Agad din niyang pinunasan ng likod ng palad ang pisnging nabasa ng luha. Mabilis na siyang kumain ng almusal. Baka abutan pa siya ni ng yaya ni Lee na si Nana Agnes at makitang umiiyak siya. Tiyak na hindi iyon hangga't hindi nalalaman ang dahilan. Kumain siya ngunit hindi niya malasahan ang pagkain. Sobrang sakit ng puso niya. 

Siya si Princess Shania Virginia Avila, 14 years old at itong araw na ito namatay ang puso niya. Ito rin ang kahuli-hulihang bakasyon niya sa mansyon ng mga Montecillo.

*****

Hi, guys! I was just jotting down. Maaari  ko pang i-edit at baguhin ang mga plots. I'm writing as  ideas come. Kasi tyak mamya I'll forget na. Ganun naman ang mga ideas. They come in the blink of an eye and they go faster than the blink of an eye haha. Ano daw?

Thank you for reading. Please vote also. Stay safe, guys, Love you. mwaaaahhh...




Ang Mahal Kong PangitWhere stories live. Discover now