Naaalala ko pa, nung una tayong nagkakilala.
Matatamis mong ngiti, di mabura sa ala-ala.Simula noon, lihim kitang minahal.
Kahit hindi mapasakin, kahit kaibigan lang, tanging dasal.
Pinanood kong sumaya at lumuha ang puso mo,
Dahil sa iba't ibang taong di makita ang kahalagahan mo.
Andun ako upang saksihan ang bawat ngiti at pagkawasak mo.
Hinihiling na sana ako nalang ang inibig mo.
Ngunit sadyang mapag-laro nga ata ang tadhana,
Sadyang taksil ang pusong lubusang iniibig ka.
Na kahit anong pilit kong kalimutan ka at magmahal ng iba,
Sa huli, ikaw at ikaw pa rin talaga.
Naalala ko pa ang araw na sinabi mong ako'y mahal mo rin,
Tila ang isang imposibleng panaginip kaya palang tuparin.
Lubos na kasiyahan ang idinulot mo saakin,
Salamat, mahal ko, pangakong hinding hindi ka paiiyakin.
Ngunit tulad ng ibang mga pangako,
Ang saakin rin ay minsang napako.Patawad mahal, kung ika'y nasaktan ko.
Tao lang din ako at hindi perpekto.
Pagmamahalan natin ay tumagal,
Kahit tuwing kasama ka oras ay tila bumabagal.
Ang pangalawang taimtim na dinarasal,
Natupad ng sayo ay ikasal.
Maraming pagsubok ang dumating at nalagpasan,
Marahil ay dahil sadyang matatag itong pagmamahalan.
Ngunit may mga bagay na kahit gustong labanan,
Sa huli walang magagawa kundi tanggapin na tayo ay naging talunan.
Eto na, eto na, isusulat ko na.
Isusulat ko na ang katapusan ng istorya nating dalawa.
Masaya o malungkot, maging ako'y hindi sigurado.
Ngunit ang mahalaga, matatapos ito ng magkasama tayo.
Matatapos ang lahat na ako'y masaya sa piling mo.
Matatapos ang lahat na baon ko lahat ng magagandang ala-alang dulot mo.
Matatapos ang lahat na may ngiti sa mga labi ko.
Dahil hanggang katapusan, mahal kita at mahal mo ako.
--
hello :) sana masarap ulam nyo hehe