Isa ako sa mga nagtatrabaho sa Crematory sa sikat na hospital sa pasig ang PCGH ako si Dan, Now maraming pasyente na dumadating dahil sa pandemya buti na lang ay may kasama ako ngayong araw palaabsent kasi tong kasama ko na si John.Dalawang taon na din nang magsimula ang pandemya marami na ang namamatay. Pinagkakakitaan ng mga doktor ang mga pasyente kinonsidera nila na Covid ang kinamatay nito upang kumita sa media at sa mga politiko.Nakikita ko man ang mga kalakaran nila wala na akong ginawa kundi manahimik na lang dahil mahirap na masangkot sa gulo ng pamahalaan. 6pm na at meron pa kaming limang susunugin ni John.
John: kawawa naman ang mga namatay ngayong pandemya ung iba pinagkakakitaan at ngayon ung ginagawa natin sinusunog natin ang kanilang katawan ni hindi manlang nasilayan ng mga mahal nila sa buhay ang kanilang katawan.
Dan: Trabaho naman natin to eh! mas mabuti na yun para di na rin sila makahawa.Wag ka na lang maingay sa ginagawa ng mga politiko ngayon mahirap na masangkot sa gulo.(ang pagkasabi ko dito)
Habang nilalagay ko sa magandang lalagyan ang abo ay bigla na lamang lumakas ang hangin na galing sa aircon kaya naman naitapon ko ang abo ng hindi sinasadya agad ko naman itong nilinisan at inilagay ang tirang abo sa magandang lalagyan naglalagay agad ako ng alcohol at nagispray upang maiwasan ang sakit.
John!! patayin mo nga ang aircon napakalakas naitapon ko tuloy ung abo (sigaw ko dito)
wala akong narinig na sagot kaya sinigawan ko sya ngunit wala akong nakitang John na kasama ko nilibot ko ang paningin ko sa buong crematorium pero wala akong nakitang John. Ang natira ang ay tatlong bangkay na susunugin ko pa lang.
Lumaki ang mata ko nun at nanlamig ang buong katawan pinilit kong maglakad papunta sa bangkay na aking susunugin kahit na nanginginig ako sa takot ay ipinagpatuloy ko ang aking tarabaho ipapasok ko na sana ang box na may lamang bangkay upang sunugin ngunit bigla itong nalaglag sa kinalalagyan kaya naman nabuksan ito.Lumaki ang mata ko at lumayo ako dahil sa pagkagulat sa aking nakita ............si John....nanginginig kong sambit sa pangalan nya.Nakabalot man ito ng tela ay nahawi naman ang tela banda sa mukha nito kaya naman ako ay natakot ngunit nilabanan ko ang aking takot at nilagay sya sa box para sunugin at ipagpatuloy ang aking trabaho. .
nakokonsensya man dahil alam kong ayaw nya ng gantong paraan ng paglilibing ay inilagay ko sya sa loob at aking pinindot sa mataas na temperatura upang ito ay magmistulang abo,pagkatapos ng ilang oras ay inilagay ko na ang kanyang abo sa isang magandang lalagyan. Habang nilalagay ko ang kanyang abo ay nakaramdam na naman ako ng panlalamig sa aking katawan at nagpatay bukas ang mga ilaw............John...Tama na........ aking sigaw........ naaninag ko ang hugis tao na kasing tangkad ni John ang papalapit sa akin . muli akong sumigaw ng ..........John!!!!!!!!!!!!!!!! tama na!!!!!!!!!!!!!!! tulong!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
biglang bumukas ang pintuan at binuksan ang ilaw ng doktor naririnig daw nya akong sumisigaw kaya naman pumasok sya at binuhusan ako ng tubig sa mukha galing pala ako sa pagkatulog marami ng nag-aabang na bangkay na aking susunugin sinigawan ako ng Doktor dahil dalawang oras na pala ako natutulog sa crematorium.
Hi Guys! nagustuhan nyo ba? abangan nyo pa ang mga susunod na horror story na aking isusulat mahal ko kayo!!!
YOU ARE READING
Within The Shadows : Tagalog Short Horror Stories
HorrorIf you wan't read a short but scary story read this! ...........................All these stories based on true events ............bringing you the scariest horror stories proven to be true. Each of these stories take spin-offs from real-life, hor...