Dati pa lang sanay nako sa mga hindi magagandang sinasabi ng mga tao sakin.
Isa akong sakit sa ulo ng magulang ko.
Aminado ako doon kasi totoo naman.
Isa kong babaeng walang ginawa kung di gastusin ang pera ng mga magulang ko,
I’m nothing but a shit.
Alam ko sa sarili ko ang pagiging bossy, pagiging gago noong panahon na hindi ko pa ginagamit ang utak ko.Ganon naman ata talaga diba? Kapag hindi kapa matured? Or kapag wala kapang iniisip na iba kundi ang paglalaro.
Hindi mo naiisip kung meron kana bang naapakan na mga tao.
Hindi mo naiisip kung nakakasakit kana.
At mas lalong hindi mo naiisip kung ano ba ang magiging epekto non sa mga taong nagawan mo ng mali, magiging miserable ba sila o hindi.Kaya bago mo gawin, mag isip ka muna.
Ako ang isa sa mga bully sa school na pinapasukan ko.
Palagi na lang may inaaway at binabangga.
Pinag tatawanan ko sila at ginagawang laruan. Minsan ginagawa ko pa silang alalay ko, hanggang sa ma satisfied ako.Salot nga raw ang katulad ko sabi ng karamihan.
Halos lahat ng tao sa buong school kilala ako. Di dahil sa pagiging mabait ko kundi dahil sa katarayang taglay ko.
Alam ko yung iba sa kanila halos gusto na kong ipag dasal para mamatay na o di kaya di na makapasok sa eskwelahang to.
Nagiging impyerno ang buhay ng karamihan sa mga estudyante, dahil sakin.Hindi ako ma paalis alis sa school na to dahil kami ang may ari neto.
Kaya naman malakas ang loob kong mambully, manggago at mang tarantado ng mga estudyante dito sa school.Sobrang sama ng ugali ko diba? Alam ko naman yun.
Ilan yan sa mga bagay na pinagsisihan kong gawin. Sana naging mabuting tao na lang ako, sana ginagalingan ko sa school para maging proud ang magulang ko.
Sana naging mabuti akong kaklase sa mga classmates ko.
Sana naging mabuti akong anak sa magulang ko.Kung naging mabuti at masunuring tao kaya ako hindi magiging ganto ang buhay ko?
Kahit naman siguro ilang beses ka pang mag sisi hinding hindi mo na maibabalik ang dati/panahon.
Hindi rin naman ako siguradong magiging maayos ang takbo ng buhay ko diba?Kung naging mabuti ba ko hindi to mangyayari sakin?
Sabi niya nga, baka kaya pinakilala ako ng diyos sayo para baguhin ka.
Para maitama ang maling nagawa at desisyon mo sa buhay.
Minsan may binibigay sating tao para ito yung maging inspirasyon mo sa pagbabagong gagawin mo.Kailangan mong magbago di lang para sa ibang tao, para narin sa sarili mo.
Kahit mawala yung taong nagpabago sayo, sana wag mong kakalimutan ang mga naituro nila sayo.
Dumaan ako sa flower shop para bilhan siya ng bulaklak.
Sobrang tagal ko na rin na hindi nakakadalaw sa kanya.
Siguro dahil sa takot? Kaba?
Dito rin kami bumili ng bulaklak na ibinigay niya sakin noon. Ang kauna unahang bulaklak na natanggap ko galing sa espesyal na tao sa buhay ko.Bumili ako ng isa sa mga paboritong bulaklak na gusto niya. Ang pulang oras.
Hindi ko na siya masyadong nabibigyan nito kasi madalas busy ako sa pag tatrabaho.
Siguro nag tatampo na siya sakin, kasi hindi ko na siya napupuntahan.
Alam kong naintindihan niya ko kasi para to sa pangarap ko.Sumakay nako ng sasakyan para mapuntahan ko na siya.
Parang kailan lang, sobrang bilis talaga ng panahon no?
Dati rati lang masaya pakayong dalawa habang magka hawak ang kamay at namamayasal.
Masaya na kayo kahit sa simpleng bagay lang.Pagka rating ko sa kanya, bumigat ang pakiramdam ko.
Sobrang hirap pala no.Pero ngayon tanggap ko na. Tanggap ko na sa sarili ko. Kaya ko na.
YOU ARE READING
Goodnight My Bree (On Going)
Short Story"Goodnight My Bree" Sa lahat ng salita ang ayan ang pinaka masakit na nasabi niya.