CHAPTER 2
Habang pinagmamasdan ko siya at kausap niya ang pusa, para na siyang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ko siya pinapanood eh ang gusto ko lang naman ay magantihan siya.
Sumampa sa hita niya ang pusa at niyakap niya. Naririnig ko rin ang mga hikbi niya."Hindi ko pa kaya" rinig kong sabi niya.
Ano ang hindi niya kaya?
Bakit ganyan siya? Noong unang kita ko sa kanya ang tapang tapang niya, tapos ngayon umiiyak na siya.
Mabilis niyang pinunasan ang luha at napa tingin sa gawi ko.
Nagulat ako at nataranta kaya dali dali akong tumakbo.
Sana hindi niya ko nakita.Mabilis ako na bumalik sa room at naupo sa upuan ko. Agad naman akong nilapitan nila joie at jenny.
"Oh ano? Nakaganti kana ba? Masayang sabi ni joei
"Kamusta may bago nanaman bang mag dodrop?" sabi naman ni jenny.
Nanahimik lang ako at di sila binigyan ng kahit anong sagot. Habang naka tunganga ako sa kinauupuan ko, nantitrip naman tong dalawang to.
Binato ni jenny ang isang kaklase namin. At tatawa tawang tatago sa ilalim ng upuan niya, habang si joie naman ay kunwaring patay malisya.
Habang pinapanood ko ang ginagawa nila naisip ko si Christian Angelo na yon.Bakit pakiramdam ko sobrang lungkot ng buhay niya, bakit parang sobrang tindi naman yata ng pinag dadaanan niya. Bakit ganon siya ka emosyonal. T-teka? Bakit ko ba siya iniisip pssh!
Dumating na ang aming lecturer.
As usual hindi parin ako nakikinig sa mga sinasabi niya.
Habang yung yung dalawa naman ay tawa parin ng tawa, yung iba naman sa mga kaklase namim may sari sariling mundo.
May tulog, may nag dodrawing, nag nag titrinintasan ng buhok at kung ano ano pa.Wala man lang pakialam ang lecturer namin.
Sabi nga niya makinig ang gusto matuto, bahala na yung ayaw.Hahaha kakaiba talaga siya.
Dapat pinalabas na lang niya kami kesa antukin kami sa subject niya.Nang magsawa siya mag turo ay umalis na rin siya. 2 hours vacant kami ngayon, kasi meron daw meeting ang mga teachers kaya naman ansaya namin ngayon.
Pumunta na sila ng canteen habang ako naman nagpaiwan dito sa loob ng room.
Hindi talaga ko sumama sa dalawa kasi balak kong puntahan ang Angelo na yon.Bumalik ako kung saan ko siya nakita kanina. At kung hindi ako nakaka mali may kasama siyang babae. Isa ito sa mga binully ko noong nakaraan. Magkakilala pala sila, kaya ganon na lang ang galit niya sakin nong makita niyang binubully ko ang babaeng katabi niya.
Masaya silang nag kukwentuhan.
Siguro mag boyfriend at girlfriend sila.
Kitang kita ko kung pano sila mag harutan, at kung paano nila pag alagaan ang pusang hawak nila.
Mukhang nag sisimula ng gumana ang utak ko para gantihan sila.
Tsk tsk tsk!!"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at kita ko ang inis at galit sa mga mata niya.
Sa sobrang lutang ko kanina hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na silang dalawa. Habang yung binully ko ay nasa likuran niya, mukhang natatakot na agad siya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kung bakit ako nandito. Para akong napiping nakatingin sa mga mata niya.
Magsasalita na sana ako ng bigla niyang hatakin ang babaeng kasama niya at tinalikuran nila kong dalawa.
"Bakit mo natin siya tinalikuran Eechan?" sabi ng babaeng hatak hatak niya.
"Hindi na dapat pinag aaksayahan ng panahon yan, isa lang siyang walang kwenta at pabigat sa magulang niya" rinig kong sabi niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero ang alam ko lang ngayon nasasaktan ako. Siguro dahil tama siya. Bigla na lang bumagsak ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko.
YOU ARE READING
Goodnight My Bree (On Going)
Short Story"Goodnight My Bree" Sa lahat ng salita ang ayan ang pinaka masakit na nasabi niya.