CHAPTER 3.
Araw ng biyernes ngayon at ngayon ang araw ng uwi ng mga magulang ko.
Gusto ko sana lumabas at mag shopping kasama ang mga friends ko pero ang sabi ng yaya namin kailangan kong mag stay dito dahil uuwi ang daddy.Bumangon na ako at inayos ang sarili ko, pati na rin ang higaan ko. Ayaw ni mommy na inaasa ko pa ang sariling kwarto ko sa mga katulong namin.
Nag iipit ako ng buhok habang naglalakad sa hagdan pababa sa lamesa."Good morning bree anak" my mom greeted me and she hug me. Habang si daddy naman busy sa magazine na hawak hawak niya, hindi niya ko binigyang pansin.
"Kamusta ang pag aaral mo anak?" naka ngiting sabi ni mommy.
Sasagot na sana ako ng pangunahan ako ni daddy.
"Tinatanong mo pa yan eh hindi nga nag aaral yan. Araw araw lumalabas at naka bihis ng uniform yan pero tingnan mo daisy ang record ng anak mo!" galit na sabi niya.
"Bree anak pag butihin mo na ang pag aaral mo dahil ilang buwan na lang naman at makaka graduate kana ng high school. Kukuha ka ng kurso na gusto namin para sayo" sabi ni mommy.
"Mom, ayoko po mag accountancy" mahinang sabi ko.
Padabog na nilapag ni daddy ang tasa ng kape niya.
" Aaralin mo yon sa ayaw at gusto mo!" sigaw niya sakin.
"Bakit dad, kayo ba ang mag aaral? Kayo ang kumuha non kung gusto niyo! Ayoko nga non!" sabi ko sa kanya
Bigla siyang tumayo at sinampal ako.
Hindi nako nagulat na gagawin niya sakin yan.
Siguro dahil palagi na lang niya kong kinagagalitan tuwing andito siya." Lumalaki kang matigas ang ulo! Kinakahiya kita! "sabi niya.
Nag echo ang lakas ng boses niya sa loob ang bahay" Sabagay, baka nga hindi ka maka graduate eh. Dahil diyan sa katigasan ng ulo mo bagsak ang mga grades mo"
Eh alam mo naman pala e!
"Akala mo ba hindi ko alam lahat ng kalokohan mo ha! Bree. Nambubuyo ka ng mga nananahimik na estudyante. Nagrereklamo ang mga magulang nila, pero dahil ako ang nag aayos nga kagaguhan mo inaatras nila ang reklamo laban sayo!!"
"Makaka graduate ho ako" sabi ko sabay talikod.
Parehas lang siya ng ibang tao. May oras siyang sermonan ako pero wala siyang oras alamin ang mga nararamdaman ko.
Mas masaya talaga na mag isa lang ako at mga kasambahay lang ang kasama ko.
Kasi malaya ako.
Masaya ako.
Nagagawa ko ang mga gusto ko.Sana iba na lang ang mga naging magulang ko.
Yung iintindihin ako.
Yung aalamin muna ang side ko bago ako pagalitan.
Yung araw araw mo nakakasama at napagsasabihan ng mga problema at hinanakit mo.Kung may choice lang ako, hindi siya ang pipiliin kong maging daddy ko.
Bata pa lang ako palagi silang walang oras sakin. May mga araw na pati birthday ko wala sila.
Bagong taon, Christmas mag isa ako.
Palagi akong nagdadasal na sana, kahit isang beses lang makasama ko sila sa araw ng birthday ko pero hindi yon natutupad.Hanggang nasanay na lang ako.
Isang araw pag gising ko, hindi ko na sila inaantay maka uwi.
Hindi ko na sila kinukulit tawagan para lang pauwiin sila at makasama ko.
Hindi ko na sila pinipilit alagaan ako tuwing may sakit ako.Hindi nako nagsasabi sa kanila ng mga problema ko.
Palagi akong umiiyak non kasi binubully ako sa school. Tuwing family day, imbis na sila ng mommy ang kasama ko.
ang mga driver at katulong ang nakakasama ko.
Tuwing kuhaan ng card, tuwing aakyat ako sa stage para kunin ang award wala sila.
YOU ARE READING
Goodnight My Bree (On Going)
Kurzgeschichten"Goodnight My Bree" Sa lahat ng salita ang ayan ang pinaka masakit na nasabi niya.