Kung may mga basagulera sa labas ng paaralan meron din sa loob ng paaralan.
"Siraulo ko" tawag ng kung sino sa akin.
Hindi ko alam kung sino siya, at mas lalong hindi ko nakita kung anong itsura niya.
Dahil kapag nalaman ko kung sino siya humanda talaga siya.Papatunayan ko sa kanya na ako ang basagurela sa school na to.
Ipaparanas ko sa kanya ang mga nagawa ko sa iilang mga bumangga sakin dito.
Hanggang sa mapilitan siyang umuwi na kang at wag na mag aral pa dito.Napaiwas ang mga tao ng maramdaman nilang tinitingnan at inaantay ko silang magsabi kung sinong ang nagsabi ng "Siraulo" sakin.
Pero walang sumagot sa kanila at napaiwas na kang ng tingin.
Tama umiwas na lang kayo ng tingin kesa sayo mapag initan ko.
Dama ko yung takot na nararamdaman nila sakin kaya naman natutuwa ako.
Pakiramdam ko ako ang boss at taga sunod ko sila."Alam mo ba bree" panimula ni kaycee "di na daw papasok si D ann"
"Do I know her?" taas kilay na tanong ko.
Sa dami ata ng nag aaral na nabuyo ko dito hindi ko na sila maalala.
"Omygosh! Hindi mo na agad kilala. Yung dinikitan mo lang naman ng bubble gum sa hair, at tinapunan ng spaghetti sa canteen" sabi niya
Tama yung babaeng naka bunggo sakin at dahil sa kanya natapon ang ice tea sa uniform ko.
"Ah siya ba, naalala ko na bakit anong meron?" walang ganang tanong ko sa kanya.
"Nag drop na daw siya" kwento niya.
Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga kinukwento niya dahil sa dami ng sinasabi niya.
Nag drop out na pala ang babaeng yon. Mabuti naman kung ganon. Mawawala na siya sa paningin ko. Grabe! Ayon pa nga lang ang nagagawa ko sa kanya nilayasan na agad niya ko.
Panget niya ka bonding ah.Ilang weeks pa nga lang nung nag enroll siya umalis na agad siya.
Hindi pa nga ako nag eenjoy sa ginawa ko sa kanya! ibang klase.Samantalang nung isang araw lang ang lakas ng loob niyang sigurin ako sa room.
Mag dodrop din naman pala siya.Halos araw araw may binubuyo akong mga estudayante sa campus na to.
Minsan sinusugod nako ng mga magulang nila.
Pero wala parin namang magagawa ang magulang nila kasi pag mamay ari namin to.Alam ko namang kahit mag tatalak ang magulang nila sakin at sabihan ako ng masasamang salita, hindi naman na maibabalik non ang nagawa ko na.
Sa araw araw na pambubully ko may oras din na naboboring at nag sasawa nako. Iisa lang naman sila.
Natigilan ako ng may bumunggo sakin. Napatingin ako sa mukha niya.
Weird siya na medyo baduy, maluwag at gusot ang damit niya. Luma na ang bag niya dahil may mga butas na, naka nganga at parang gutom na rin ang sapatos niya." Sinasadya mo bang bungguin ako?" sigaw ko sa kanya na ikinagulat ng karamihang estudyante.
"Im sorry bree, h--hindi ko sinasadyang mabunggo ka. Nagmamadali kasi ako kaya di kita nakita" naiiyak na sabi niya.
"Sorry? Nagpapatawa kaba? Anong gagawin ko sa sorry mo e nabunggo mo ako! Andumi na ng uniform ko dahil nadikitan mo! Mawawala ba ng sorry mo yang dumi na nadala mo sa damit ko!!" malakas ko siyang binunggo katulad ng ginawa niya. Pero mas doble pa doon ang ginawa ko.
At pagka bunggo ko sa kanya ay nadapa siya.
Kaya naman maraming tao na ang nakiki usyoso samin dito.
Ramdam kong napapahiya at parang naiiyak na siya sa ginawa kong pagpapahiya sa kanya.
Ramdam ko rin ang masamang tingin sakin ng iba sa kanila
![](https://img.wattpad.com/cover/266538347-288-k729341.jpg)
YOU ARE READING
Goodnight My Bree (On Going)
Short Story"Goodnight My Bree" Sa lahat ng salita ang ayan ang pinaka masakit na nasabi niya.