April and May. Dito nagstart ang lahat. Sa simpleng pagsabi mo na crush mo ako at paghingi mo ng number ko sa kaibigan ko. Eto yung mga panahon na nagoOJT ako tapos pinapakilig mo akong gago ka at pinupuyat. Bwiset ka! Dito sa month na to nagsimula ang lahat.
April nung sinabi ko sayo na huwag ako. We can be friends pero huwag ako. Pero sinabi mo pa din na gusto mo ako. Sinabi ko sayo na wag mo akong saktan, sinabi ko sayo na huwag mo akong gawing panakip butas o rebound. Sinabi ko sayo na balikan mo sya. Na ayusin mo. Na baka galit ka lang ngayon dahil sa nagawa nya.
May nung nabanggit mo na pinuntahan ka ni Bianca. Kinakamusta ka. Nakikipag-ayos sayo. I asked you. And you said, you're thinking but you don't want her anymore. Na ayaw mo na yung sakit, ayaw mo na yung galit. Sa month na to, sinabi mo na hindi mo ako sasaktan, na hindi ako panakip butas, na iba ako sa ibang mga babae. Sa buwan na to, sinabi mo sakin na gusto mo talaga ako.
Ang bilis. Ang bilis ng lahat. At ang bilis kong naging tanga sayo. Naniwala ako sayo
Naniwala ako sayo kaya binigyan kita ng pagkakataon. Naniwala ako na hindi mo ako sasaktan. Nakakatawa! Naalala ko kung pano mo sinabi sakin na naging bulag at bingi ka sa mga ginawa niya sayo. Na kahit may mali na mas pinili mo pa din sya kaya ito nasasaktan ka. Ngayon naman, ako yung naging bulag at bingi. Alam ko naman nung una pa lang na pwedeng mangyari to pero mas pinili kong maniwala sayo. Ok lang kasi sumaya naman ako sayo kaso masakit pala talaga. Masakit pa din. Ang gago mo!
Hindi kita hinabol. Hindi ako yung tipong nanghahabol. Never ko ginawa yun kahit kay Vince. Sinasabi ko sa mga nagugustuhan ko na gusto ko sila pero hindi ako naghahabol. Kasi I know my worth.
Naaalala mo pa ba yung movie nila Liza Soberano na 'Everyday I love You'? Kinikilig ako pag tinatawag mo akong love after natin panoorin yung movie. I really thought magiging ganun tayo. Na we'll love each other everyday kaso hindi eh, kasi that everyday ends yesterday. Hanggang dun lang tayo kasi nawala ka na. Akala ko pareho tayong nakahawak. Ako lang pala. Hindi ko pa hinigpitan yung pagkakahawak ko sayo.
Ang bilis mo tuloy nawala sakin.
What did I do wrong, Jarred? Taeng tae ka ba non? Dahil hindi kita sinagot nung sinurprise mo ako nung birthday ko? Anong nangyare? Bakit mo namiss si Bianca? May nagawa ba ako? Bakit mo hinayaang magkausap ulit kayo? Bakit ka bumalik sa kanya at hinayaan syang saktan ka ulit? Bakit mo hinayaang mangyari to? Bakit mo sinayang lahat?
Bakit ka nagsinungaling sakin? Tinanong kita eh! Tinanong kita ng paulit ulit. Sinabi mo ako na diba?
One week after ng birthday ko, I asked you when was the last time you see her and you said matagal na, hindi mo na maalala. I asked you kasi someone told me na nakita ka nila nung araw na bumibili ka ng pangsurprise sakin. Nakita kayo sa isang fast food restaurant.
Jarred, bakit mas pinili mong magsinungaling sakin? Bakit mas pinatagal mo pa? Sana sinabi mo na agad hindi yung sasabihin mo lang kung kailan mo lang narealize. Kasi alam mo, the moment na nakipagusap ka sa kanya ulit naguluhan ka na non diba? July pa lang nagsisinungaling ka na. July pa lang niloloko mo na ako.
Nung linggo na sinabi mo sakin na sya pa din pala, yun yung linggong sasagutin na kita. Tinapos ko lang yung paperworks ko tapos sasagutin na kita. I know hindi ako nagparamdam sayo ng ilang araw. I was so stressed, tired and so disappointed kasi I saw you again smoking. And that week, after you told me that it's still her, that you missed her, I finally realized and felt that you don't really value me. I realized that you were lying to me every day. Kaya pala sobrang sakit kasi sobrang bigat.
And now, this is all I need. For us to talk and settle and end everything, na dapat matagal ko ng ginawa. To finally ask the questions that have been haunting me for a long time and to finally know the answers.
—————
I looked at the man who sat across the table. He said sorry for being late and smiled a bit.
I put the coffee after sipping as I cleared my throat and asked,
"Did you ever love me? Or was it all a lie, Jarred?"
BINABASA MO ANG
Our Everyday Ends Yesterday
Short StoryThis is a short story about young and innocent love and how pain meddles with it.