Chapter 58

9K 395 121
                                    

#HGDChapter58

Officially mine

"MAMSH, wala ka pang balak lumafang? Anong oras na aba! Bangon-bangon din! Kanina ka pa nagmamaktol dito, anong petsa na, iyong jowa mo naihatid na't lahat ang mga bagets nakabalik na nandito ka pa rin—"

Bumalikwas ako nang bangon at nakitang halos alas-diyes na pala nang umaga. "Nasaan na ang mokong na 'yon?"

"Nasa office niya sa baba. Tawagin daw siya pag bumaba ka na, mukhang good mood si Koya pasipol-sipol pa. Kayo ah, anong ginawa ninyo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Beauty. "H-huh? Wala kaming ginagawa 'wag kang malisyosa!" bato ko sa kanya ng unan ramdam ang pamumula nang magkabilang pisngi.

"Ay ba't ganyan ang reaksyon mo mamshie, joke lang!" tumatawang saad ni Beauty na hinampas pa pabalik sa akin ang unan. "Nahahalata ka masyado! Halika na't kumain na nga tayo gutom lang 'yan."

Hindi na ako nakapalag nang hilahin niya ako patayo at igiya palabas ng kuwarto ko.

"Alam mo mamsh, hindi ko talaga in-expect na makakatira ako sa ganitong palasyo. Bongga! Nag-selfie nga ako kagabi, aba ang mga user kong kamag-anak at friends, nanghihingi ng balato! Akala'y nanalo ako sa lotto, mga loka-loka!"

Natawa ako sa pagkukuwento ni Beauty hanggang makababa kami pero nang dumako ang tingin ko sa lalaking kalalabas lang sa nagsisilbing office cum library sa bahay ay gusto kong sabunutan si Beauty dahil binitbit niya pa ako pababa.

Sinamaan ko nang tingin si Hurricane nang ngisian niya ako. "Going to take your breakfast, now?"

Hindi ko siya sinagot at binilisan ko ang hakbang patungo sa dining area. Kukuha pa lang ako ng plato nang maunahan na ako ng katulong na hinire ni Hurricane. Napangiwi ako nang ipaghain niya ako. Hindi ako sanay na pinagsisilbihan ako.

"Ako nang bahala, Ate—ay putragis ka!"

"What's putragis?"

Mahina kong tinulak si Hurricane na biglang nangyayakap sa likod ko. "Manyak ka talaga!"

"I just hug you, how can you call me, manyak, Mrs. Helios?"

"Tigilan mo ko sa kaka-conyo mo 'ah, nakukulili ako sa 'yo!"

Hinila ko ang silya at padabog akong naupo roon.

"Mrs. Helios? Aba anong meron?" sulpot ni Beauty at naupo sa katapat kong silya habang ang manyak ay sa tabi ko.

"We're getting married!" anunsyo ni Hurricane na ikinasamid ko mula sa pag-inom ng kape. Hinampas ko sa braso si Hurricane na tila binalewala ang ginawa ko at inakbayan pa ako. Pero dahil tila napapaso ako sa mga hawak niya ay mabilis akong lumayo sa kanya.

"Aba't may himala, pumayag ka mamsh? Anong proposal ba ang ibinigay sa 'yo ni Cane at napapayag ka?"

"Masarap..."

Nanlaki ang mga mata ko at binatukan si Hurricane na nasamid mula sa pag-inom ng kape.

"Alin ang masarap?!"

"Itong kape! Ano pa ba? You're abusing me, Amaranthine! You're not going to turn me into a battered husband in the future, right?" nagpapanggap na takot niyang saad at lumayo pa sa akin ang mokong tila natatakot na muling masaktan ko.

Inismiran ko lang siya at kumain na ako.

"Mamsh, kuwento—"

"Sebastian, gusto mo bang ipadala ko sa Tatay mo swimsuit photos mo?"

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon