Epilogue

11.8K 490 148
                                    

EPILOGUE

HINDI mawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan si Amaranthine na nakikipagtawanan sa mga bata sa ampunan na kinalakhan niya. Ang malakas na halakhak niya ay tila isang musika sa pandinig ko.

I felt like I am willing to do everything just for that smile to never fade. Like I am willing to trade everything I have just to make her happy. Kinuha ko ang cellphone ko at sunod-sunod siyang kinuhaan ng litrato.

It makes me wonder when was the last time I felt like this towards a woman.

Spring...

Yeah. I must admit, those feelings that I have long forgotten. Tila ibinabalik sa akin lahat iyon ni Amaranthine, ang pakiramdam na magustuhan ang isang tao sa puntong handa mong ibigay ang lahat mapasayo lang siya.

Pero napailing ako't ibinaba ang cellphone ko nang maalala ang buhay na meron si Amaranthine. Ang papel na meron ako sa buhay niya.

Temporary.

She needed money to save her boyfriend and I am that kind of man to him. Her boss.

Nothing else.

"Gusto mo ba siya?"

Nabaling ang tingin ko sa mother superior ng orphanage na si Mother Maria. Malawak ang pagkakangiti niya sa akin sabay sulyap kay Amaranthine na walang kaalam-alam na kanina pa ako tila isang batang nakatanghod sa kanya.

"Masama po bang gustuhin ang taong nakatali na sa iba? Ang taong may mahal nang iba?" tanong kong naalala ang tingin ni Amaranthine noon sa hospital sa boyfriend niya.

I never thought that remembering that would make me feel jealous. How could I get jealous to someone in a comatose state?

Binalingan ako ng Madre at inilingan. "Walang masama na magmahal hijo, pero alam mo ba kung anong pinakamalungkot na parte sa pagmamahal? Iyong nagmahal sa maling panahon at oras..." Ngumiti si Mother at tinapik ang ibabaw ng palad ko. "Pero naniniwala ako hijo, na sa takdang panahon magiging tama rin ang lahat."

I wiped my tears when I remembered those words from the woman who Amaranthine treated as her mother.

Kinusot-kusot ko ang mata ko nang magpatuloy pa rin ang pagkawala ng luha mula sa mga mata ko habang minamasdan ang prenup video namin na talagang ngayon pa isinend sa akin ni Light while I am so f*cking nervous for my wedding today.

I finally found the right person at the right time...

"Oh f*ck! You crying?" tila nandidiring saad ni Tornado sa akin at hindi ko matanggap na para akong nanalamin sa tuwing tinitingnan ko siya.

Gag*, malamang kambal kayo...

Malakas na tumawa si Damien at tinuro ako. "Putang!na pre, Hurricane mong matigas pa sa bato umiiyak!"

"Well, baka natatakot na hindi siya siputin ng bride?" seryoso pero malawak ang ngising saad ni Gabby na gusto kong batuhin ng cellphone ko.

"Iiyak nga rin ako pag ganoon pre," segunda naman ni Migs na parang baklang bumungisngis.

Sinamaan ko nang tingin ang mga kaibigan ko at kakambal ko na pumasok sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko para lang inisin ako.

Palibhasa ay nakatali na silang lahat at ako na lang ang inaantay nilang magpakasal. Mga gumaganti sa pang-aasar ko noong mga kasal nilang mga umiiyak din. Now, I know how they felt that day at their wedding.

"Picture?" Ngiting-ngiti na saad ni Spring na umbok na ang tiyan sa suot-suot na gown.

Agad namang tumabi sa kanya ang aso at parang sawa na pinuluputan ang asawa bago pa makalapit ang mga malokong kaibigan namin kay Spring na tangka nilang isa-isang yayakapin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hurricane Greatest Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon