Sa malalim na gabi Habang naglalakad ka sa itong patutunguhan Nara asan mo na bang kilabutan nang hindi mo Alam Kung bakit?
Yung naglalakad Kang lumilingon sa paligid mo dahil pakiramdam mong hindi ka nag iisa.
Ang pakiramdam na bumibigay ang inyong paghinga.
Ito ang Naranasan nang tita ko sa hometown namin sa danao city.
Nakatira kasi kami sa probinsya at ang bahay namin ay nasa labas Lang NG bakuran nang simbahan.
Isa itong memorial church Para sa Isang prominenteng pamilya dun sa probinsya namin
At sa likod nang simbahan na ito ay Isang maliit na lote nang taniman Kung saan ka kilala namin ang may ari.
ito ay pag aari nang home for the aged na naroon din sa loob nang simbahan at doon kami nanghihingi at pumipitas nang konting gulay Para sa pagkain namin.
Common knowledge na ang mga nangyayari sa simbahang ito.
Dahil marami nang mga tao ang Nakakakita at Nakaranas NG mga kababalaghan dito.
Dahil bukod sa isa itong simbahan ay may ospital din ito sa harap dati na ngayoy ginawa nang college building NG Isang paaralan.
Ayon sa mga Sabi Sabi, meron daw kaluluwa nang Isang Madre na walang ulo dito.
Meron ding mga nakakakita na mga tambay at mga motoristang nagbabyahe sa gabi nang Isang white lady na sumisilip sa bintana NG 2nd floor sa gusaling ito.
Bukod pa dun, sa loob nang simbahan ay maraming mga statuwa NG mga Santo o pope na nagpapadagdag NG kilabot sa mga pumupunta dito tuwing gabi
isa ring hot zone sa aksidente ang kahabaan ng highway sa harap ng paaralan.Isang araw pumunta kami nang tita ko dun sa simbahan Para humingi at mamitas ng mga gulay Para sa pagkain namin sa hapunan.
Medyo matagal kasi syang umuwi Kaya inabutan sya nang gabi at kami Lang dalawa sa bahay.
Kaya wala syang Ibang kasama kundi ako lang.
Kaya sinama na nya ako dun sa simbahan.Habang naglalakad kami papuntang simbahan ay kitang kita ko na ang takot sa tita ko.
Dahil pagkagat daw nang dilim ay nagpapakita daw ang mga multo sa simbahan.
Pero kasama nya ako Kaya siguro tinibayan nya ang loob nya Para may Makain kami.
Walang masyadong ilaw dati sa loob nang simbahan Kaya flashlight Lang ang tangi naming dala noon.Naglalakad na kami sa loob ng simbahan nang pakiramdam koy may sumusunod sa amin.
"nararamdaman mo ba Yun?" tanong nang tita ko sa akin.
"Tita naman eh tinatakot mo naman ako"sagot ko sa tita ko.
"halika kargahin na kita papunta dun" kinuha ako nang tita ko at nagpatuloy sya sa paglalakad.
Umabot na kami sa kalagitnaan nang lakad namin nang may narinig kaming Naglalakad sa paligid namin Kaya binilisan ni tita ang pag lakad nya at Habang bumibikis ang lakad ni tita ay bumibikis din ang lakad nang Kung ano man ang sumusunod sa amin.
Kaya sa taranta nya ay tumakbo na ang tita ko hanggang Maka abot na kami sa paroroonan namin.
"oh iha, bakit ka tumatakbo?" tanong nang kakilala namin na bantay dun na isa ding albularyo.
"meron po kasing sumusunod sa amin Kaya tuumakbo na po ako papunta dito." Sabi nang tita ko..
"wala ka bang Ibang kasama Papunta dito??" tanong NG matanda.
"opo, kami Lang po ng pamangkin ko Kaya po takot na takot ako" sagot nang tita ko.
"oh sige iha, umupo ka muna dyan. Ako na bahala sa kukunin mo. Ano ba ang kailangan mo?" tanong NG albularyo.
Binigay ng tita ko ang listahan nang kukunin nya at lumabas na ang albularyo.
Pero nag taka daw ang Tita ko dahil dala dala bg albularyo ang gamit nya bago lumabas.
Matapos ang ilang minuto at bumalik na ang albularyo dala ang mga kailangan NG tita ko Para sa hapunan namin.
"oh ito iha, dalhin mo Yan." iniabot nang albularyo ang Isang plastic
"tayo na at ihahatid ko na kayo pa labas." Sabi nang albularyo.Habang palabas kami ay nararamdaman parin nang tita ko ang presensya nang Kung ano man Yung humabol sa amin Nung pumasok kami.
Huminto saglit ang albularyo at may kinuha sa loob NG bag nya at sinabihan ang tita ko..
"lumakad ka at kahit na anong mangyari wag Kang lilingon"
Mabilis na nag lakad ang tita ko kasama ang Matandang albularyo papuntang labas Habang karga nya ko.
Hanggang nakalabas na kami NG simbahan at umuwi na kami. Kitang kita sa mukha NG tita ko ang takot dahil sa mga nangyari.
Nanginginig din sya dahil dun.Kinaumagahan ay nag usap sina mama at si tita sa mga NanGyari nung gabing Yun. At di Makapaniwala si mama.
Di kalaunan ay dumating ang Matandang albularyo kasama ang lola ko.
Nagkasalubong Sila sa Daan at nag sabay nalang papunta sa amin.
Meron daw syang sa Sabihin sa tita ko.Tumindig ang balahibo NG tita ko sa sumunod na nangyari.
Nung gani daw na yon ay sinusundan kami NG engkanto na gustong kunin ang tita ko.
Nung papunta daw kami sa loob nag tanong sya agad Kung sino ang kasama namin papunta doon
dahil meron syang nakitang isa pang tumatakbo sa likod namin na kasabay namin pumasok na mabilis na nawala pagkarating namin sa albularyo pero di na nya Yun sinabi sa tita ko Para hindi ito matakot.
Huminto daw sya Para kumuha nang pangontra sa engkanto na yun dahil nasa likod na namin sya at ramdam din nang albularyo ang lakad NG engkantong yon.
Hindi malilimutan nang tita ko ang gabing yon. Kinukwento parin nya ito sa amin kapag nagkakasalosalo kami
Pero lingid sa kaalaman nang tita ko ay natatandaan ko ang ang gabing Yun dahil Habang kargo nya ako at hindi sya lumingon.
Ako ang nakakita sa mga statwang gumalaw at lumingon sa amin at sa namumulang matang engkantong ito.
YOU ARE READING
Mga Engkwentero ng Kababalaghan
Horroritong kababalaghang ito ay naranasan hindi ng isa kundi lahat ng taong nakatira at malapit sa lumang bahay na nasa harap ng maliit na compound namin. ngayun ay hindi na namin sila nakikita pero nararamdaman parin namin sila. pero tanggap na namin...