Ang Babae sa balchony

805 1 0
                                    


Ito ay personal kong karanasan nung nag black out sa amin at nag picture taking kami sa labas ng mga pinsan at kapatid ko.


gabi na mga 9 pm ng gabi nang magblackout sa amin

may tatlong parte itong kwentong ito

galing sa mga auntie at pinsan ko

na nasa labas din ng magblack out.


Auntie's perspective

nung nagblack out ay nasa balchony sila ng anak at apo nya

nakasinde ng kandila at nagtatawanan.

narinig din daw nila kami sa baba kaya medyo lumapit sila

sa parte ng balchony na malapit kami.



around that time kumukuha pa kami ng camera kaya nagkwentuhan muna sila sa taas.nang

may naramdaman silang kakaiba doon at parang guminaw daw ng bigla.

pero hindi nla yun pinansin dahil baka raw dala lang yun ng malamig na hangin

pero hindi mahangin ng panahon na yun.


kaya nung nag picture na kami ay nangilabot ang mga balahibo nila na para bang may taong

nakatayo sa likod nila. kaya pagkatapos nang picture na yun ay nag si babaan silang lahat at

sumali na sa amin.


Lester's Perspective

si Lester naman ay ang pinsan kong nasa kabilang bahay

na katapat lang ng balchony nila auntie. pero hindi rin malayo para hindi makita sa picture.

nang panahong yun ay nagkwentuhan sila ng nanay at tatay nya

sa labas ng bahay nila. 


ang upuan nya ay nasa harapan ng balchony mismo na pinagtambayan nina auntie.

nung panahon na nakatambay daw sina auntie sa balchony malapit sa amin

akala daw nya na may bisita sina auntie nung mga panahon na yun kasi may babaeng nakaputi

na nakatayo kasama nila. 

pero hindi nya kita kung sino ito. kaya sinawalang bahala nalang nya ang nakita nya

pero nang nagflash ang camera namin para kumuha ng picture.

ay bigla nalang itong nawala.

My Encounter

lumabas kami ng bahay dahil sa black out ng dahil sa ulan.

nang naisipan naming magkwentuhan ng katatawanan.

at di kalaunan mga kababalaghan sa lugar namin.

narinig kami nina auntie kaya lumapit narin sila.


bago palang yung camera namin nun at hindi pa nagagamit

kaya kinuha ko ang camera at pina posisyon ko silang lahat 

kuha pa sina lester at sina auntie sa kuha ng picture ko.


nung tiningnan na namin ang picture ay nagulat kami nang may nakita kami sa picture 

isang babaeng nakalutang at tila ba nasunoog na ang mukha.

Mga Engkwentero ng KababalaghanWhere stories live. Discover now