Dahil araw ng sweldo kakain ako
sa KFC .Masaya ang bukas ng mukha niya ng sumakay nh elevator sa 8th floor.
Napakunot noo siya bigla
Hmpft! Eto yung lalaking nagsara ng elevator eh. Kasalanan nito kung bakit ako nasermunan ni sup last week. Nakuuu..
Bumukas ang pinto at may sumakay na dalawang tao sa 6th floor.
Tatlo pa ang nadagdag ng bumukas ang elevator sa 5th floor.
Pito silang lahat na sakay.
4th floor
3rd floor
Toot!
Napataas ang tingin ni Ally. Bakit tumunog?
Halos lahat pigil ang hininga.
Wala namang pumindot ng 2nd floor na button.
Tumigil ang elevator at bumukas ang pinto.
Napasigaw ng bahagya ang nasa tapat ng pinto. Madilim kahit saan ka tumingin. Paano kasi, ito ang parte na pang opisina. Lahat ng nag oopisina dito ay hanggang 6pm lang.
Eleven lang ang kayang isakay ng elevator at pito na sila. Nagtinginan lahat ng nasa loob niyon.
Yung lalaki naman na kinaasaran ni Ally pinindot na ang button para sumara.
Toot! Toot! Toot!
Sunod sunod ang tunog ibig sabihin ay napuno na ang elevator.
Paano nangyari iyon eh wala namang sumakay.
Pinindot uli ng lalaki ang button.
Patuloy lang sa pagtunog ang indicator.
Wlang nagawa ang huling tatlong sumakay kundi lumabas at nagtatakbong dumaan sa gilid sa may fire exit.
Hagdan ang ginamit nila pababa.
Tsaka lang sumara ang elevator.
Yumuko si Ally.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Nang makarating sa ground floor ang elevator dali dali siyang lumabas.