Isang oras ang lunch break niya
Nag yosi pa siya bago bumalik kaya nakalimutan na niya ang insidente.
Tatlo silang sumakay.
Nakita na naman niya ang lalaking nakasabay niya kaya nainis siya.
Hmp.. Mabuti na lang tatlo kami.
Naiinis siya kasi ang kupad umakyat ng elebeytor. Male late na naman siya nito. Over lunch.
Anung oras na?
Napalingon siya sa nagtanung.
Matabang babae. Mahaba ang buhok at may hawak na cup ng coke.
3am na. Sagot niya sabay ngiti.
Nilingon naman siya ng lalaki at napakunot noo iyon.
Nang makita niyang tinititigan siya nito inirapan niya. Pagbukas ng pinto lumabas siya agad.
Nagulat pa siya pagtaas ng tingin niya. Ang dilim!
Bigla siyang baling sa lalaki.
Kuya! Huwag mong isasara!
Hinila siya ng lalaki dahil hindi siya agad nakapasok. Nagulat siya ng humakbang ang babaeng nagtanung sa kanya ng oras.
Sinundan niya ito ng tingin.
Nginitian pa siya nito bago humakbang palabas sa second floor.
Sinundan ng lalaki ang tingin niya at tsaka sunod sunod na pindot ang ginawa sa close button.
Pagsara ng pinto.
Nanginginig na siya.
Hindi niya alam kung ano ang nakita sa kanya ng lalaki.
Niyakap siya nun.
Hindi na niya napigilan ang pagiyak.
Pagdating sa 6th floor.
Hawak pa rin siya nito sa kamay at dinala siya sa clinic.
Ito na rin ang nagkwento ng nangyari.
Iyak siya ng iyak.
Tumawag naman ang clinic nurse sa supervisor niya.
Nang malaman ng facilities supervisor ang nangyari, kinausap siya nito.
Mayruon pala talagang nakikisabay kapag ganuong oras sa elebeytor.
Babaeng mataba.
Kulot ang mahabang buhok.
May hawak na coke.
Palagi din itong nagtatanung kung
anung oras na.
Palaging bumababa sa second floor.
Usap usapan tuloy siya sa buong building.
Ilang linggo ang nakaraan at balik sa normal ang takbo ng buhay nila.
12am.
Nagmamadali na naman si Ally.
Nakasabay niyang pumasok ang lalaki at nagkabangga pa sila.
Natawa ang lalaki.
Late ka na naman.
Inirapan niya ito.
Inakbayan siya nito at natawa sa kanya.
Siya nga pala si Fritz.
At boyfriend na niya ito.