Kabanata I

21 4 2
                                    

Xavier's Point of View

Sa aking pagmumuni-muni, ay nalalanghap ko ang simoy ng hangin. Napakalakas ng sipol nito na tila ba nagpapahiwatig ng isang paparating na unos. Ngunit hindi naman nagbabadya ang masamang panahon noong ako'y tumingala't sinilip ang magandang kulay ng kalangitan.

Habang hinihintay ang aking mga magulang na lumabas sa opisina ng punongguro, ako ay naglibot-libot sa hindi ko mawaring paaralan na doble ang laki kumpara sa aking lumang paaralan na pinanggalingan.

Dito ay nabunggo ko nang hindi sinasadya ang isang babae. Maganda siya, mukhang mahinhin at parang alagang-alaga ng kaniyang nanay ang balat dahil sa kinis nito.

"I'm sorry." ani ng babae.

"It's okay, pero sa susunod ay tumingin ka na sa lalakaran mo." diniin ko ang pagkakasabi sa "lalakaran."

Hindi ko alam ngunit hindi ako nakaramdam ng inis nang siya'y mabunggo ako. Karaniwan kasi ng mga taong nakakasangga ko ay sa libingan ang tuloy.

Oo, isa akong isinumpang bata na maaaring pumatay ng tao gamit lang ang aking pluma at kamay. Ano mang pangalan na aking isulat ay babawian ng buhay ngunit kung ito'y sa aking kagustuhan lamang.

Marami nang nagtangkang bumuyo sa'kin, saktan ako ng pisikal, at ipahiya ako sa buong unibersidad. At para hindi na nila magawa sa iba ay isinusulat ko ang kanilang ngalan sa isang kwaderno na kung tawagin ay "Cuaderno Maldito" na ang ibig sabihin ay "Cursed Notebook."

Tumango lamang sa'kin ang babae at nilampasan ako nito.

Napangiti na lamang ako dahil baka maaaring nakaligtas ang babaeng ito sa aking sumpa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Muli, ay nakita ko ang babaeng nabangga ko kanina pero may kasama na itong dalawang babae na magaganda rin. Sa likuran ay sumulpot ang dalawang naggagwapuhang lalaki na sobrang tatangkad.

"Sa ganiyang edad, mayroon na silang mga nobyo?" sambit ko sa aking sarili sabay iling.

*Phone rings*

Biglang nag-vibrate ang aking telepono. Tumatawag ang aking ina na siguro ay tapos na sa pakikipag-usap.

"Hello, nak? Nasaan ka, iho?" nag-aalalang tono ang himig ni mommy.

"Nasa tabi-tabi, Mom. Naglilibot lang para mapamilyar sa bagong paaralang lilipatan ko." Hindi ko mapigilan ang pag-ngisi, dahil baka iniisip ng aking magulang na baka maulit ang mga insidenteng nangyari sa aking lumang paaralan.

"Anak, can you make it here to the office? Dean will talk to you about some issue." Hindi mawala ang tonong nag-aalala sa kaniya.

"Okay, Mom. I'll go ahead." At binaba ko na ang telepono.

Madali kong narating ang office, dahil hindi naman kalayuan ang aking pinanggalingan. Kumatok nalang ako at pumasok ng tuluyan.

"Good morning, Dean." nakangiting usal ko.

"Take your sit, iho." magalang na tugon nito.

Tanging tango lamang ang isinagot ko. Tipid na ngiti rin ang aking ginawa para naman hindi ako magmukhang walang modo.

"Lahat ng grades mo ay nakita ko na, maliban na lamang sa isa. Ang iyong good moral, bakit wala kang good moral certificate, iho?"

The Cursed Boy (ON-GOING) Where stories live. Discover now