Kabanata IV

3 1 0
                                    

Claire's Point of View

Narito na kami sa gate. Hinihintay si Xavier na kinuha lang ang bike. Napakatagal nitong dumating, nagabsakan na ata ng bike.

Ilang minuto pa'y dumating na ito. Mukha naman siyang okay. Lagi nalang siya late dumating.

"What took you so long?" Tanong ko pagdating nito.

"May inayos lang, medyo natagalan, sorry." Nakangiting paumanhin niya.

"Oh, siya, siya, siya. Tara na para makagawa pa tayo ng meryenda natin." Nagmamadaling pag-aya ni Gill.

"Sige, pasensya na ulit. Mauna na kayo, para masundan ko kayo." Ani Xavier.

Sumakay na kami sa sasakyan at si Calix ang nagdrive, sa tabi niya ay si Kaizer. At kaming tatlong girls ang nasa likod.

Sumilip ako sa likod at naroon si Xavier na naghihintay na lang ng pag-andar ng sasakyan. Sumenyas na akong aalis na para maalarma ito.

Naging mabilis lang ang biyahe namin at narating na agad namin ang village nila Calix. Saglit na lang 'to dahil malapit lang ang mansion nila sa subdivision na 'to. Makalampas lang sila sa parke kung saan nakita namin si Xavier na nakahiga sa bench.

"Baba na." Anunsyo ni Calix.

Nagbabaan na lang kami at pagkababa ay sinilip ko kung nasa likod pa ba si Xavier. Nandito pa siya, at tila namamangha dahil mukhang hindi na bago sa kaniya ang pagkakita sa mansyon nila Calix.

"Sa inyong mansyon 'to?" Takang tanong ni Xavier kay Calix.

"Oo, bakit? Hahaha." Nagugulumihanang sagot ni Calix.

"Ah, palagi ko kasing nadadaanan 'to kapag naglilibot ako sa subdivision." Kamot-ulong sagot ni Xavier.

"Wait, what? Anong ibig sabihin mo?" Pabalik-tanong ni Calix.

"Ah, taga-rito rin ako sa subdivision na 'to. Nadaanan na nga natin 'yung bahay namin kanina. Hahaha."

Lahat kami ay hindi makapaniwala dahil taga-rito rin pala siya! Nakakabigla.

"Wait, so ikaw nga yung nakita namin na naglilibot nu'n sa school? At 'yung nakahiga 'riyan sa parke noong isang linggo?" Naguguluhang tanong ko.

"Oo, ako 'yun. Pasalamat nga ako dahil naging kaklase ko kayo. Kasi bukod sa kayo palang ang nakikita ko ro'n ay mukhang mabait din kayo." Mahabang salaysayin ni Xavier.

"Gano'n naman pala! Magsabay nalang tayong pumasok bukas, nagsasabay-sabay rin kaming pumasok lagi. Gawain namin dahil last year na sa sekondarya, sa kolehiyo'y mag-iiba-iba na ng course dahil iba-iba rin kami ng pangarap." Suhestiyon ni Calix.

Tumango na lamang si Xavier at saka kami pumasok sa loob ng mansion. Napakaganda pa rin at walang kupas.

Xavier's Point of View

Pagpasok namin ay namangha ako sa ganda ng loob nito. Sinalubong din kami ng ngiti ng mga maid rito.

"Good afternoon, Ma'am/Sir!" Bati ng mga maids.

"Magandang hapon din po." Bati ko sa mga ito.

"Tuloy po kayo." Dugtong pa nito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at in-assist kami ng mga maids. Hindi ko inakalang ganito kayaman si Calix, wala sa itsura niya 'yung pagiging mapera pero tingnan mo nga naman ang tadhana.

The Cursed Boy (ON-GOING) Where stories live. Discover now