Claire's Point of View
Hello! Ako nga pala si Claire. Nakilala niyo nanaman siguro ako dahil sa pagpapakilala ko kay Xavier, Ano? :D
Kasalukuyan kaming pabalik ng mga kaibigan ko sa classroom. Nang maaninag kong nakapasok na si Xavier sa palikuran ay agad na akong nagdiretso at humabol sa aking mga kaibigan.
"May napapansin ba kayong kakaiba kay Xavier?" Usisa ni Anne.
"Wala naman, bakit mo natanong?" Nagtatakang sagot ko.
"Para kasing napakalungkot ng taong 'yun. Ngayon lang ako nakakita ng ganiyang tao. Sa halos apat na taon natin dito ay wala akong nakitang mahiyain dahil nga kailangan dito ay may kapal ng mukha." Natatawang sagot ni Anne. Napailing na lang ako dahil hindi ko rin 'yun napansin kay Xavier.
Tama siya, lahat ng tao rito'y minsanang isinasabak sa public speaking upang mahasa ang kanilang self-confidence. Isang beses pa lang ako nakaranas nu'n at mukhang mauulit dahil running for valedictorian ako ng aming batch.
Hindi ko namalayang nasa room na pala kami. Napakabilis ng paglalakad ng mga kaibigan ko dahil ang mga ito'y paupo na at ako'y naiwang tulala sa pinto. Masyado akong pinapatay ng aking kuryosidad tungkol sa pagkakakilanlan ni Xavier.
'Hindi rin magtatagal at makikilala ka namin isa-isa.'
Pumasok na ako at saka napahiyang umupo sa aking bangko. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko dahil nakakatawa raw ang aking itsura sa pintuan nu'ng ako'y kanilang iwan.
Ilang minuto pa'y dumating na rin ang aming susunod na guro. Napuno lamang kami ng oryentasyon tungkol sa sarili, nagpakilalahanan sa isa't-isa kahit magkakakilala na naman ang lahat.
Sa gitna ng diskusyon ay biglang may kumatok. Naalala ko na wala pa pala si Xavier. Maaring siya nga ang kumatok.
"Come in!" Sigaw ni Bb. Aranzaso. Ang magiging guro namin sa Araling Panlipunan.
Bumungad sa amin si Xavier na nagkadikit ka ang kilay. Mukhang galit ito. Bakit naman kaya?
"Why are you late?" Gatong na sigaw nito.
"I came from the comfort room after the recess time. I'm sorry, miss." Yumuyuko pang sabi ni Xavier. Pero hindi nawala ang galit sa kaniyang mata.
Umasta itong pupunta sa tabi ko ngunit mabilis siyang hinarang ni Miss at nakaharang pa ang kamay nito sa dibdib ni Xavier.
"Wait, you look like a transferee here." sinisipat pa siyang mabuti ni Miss na para bang isa itong mannequin. "Go introduce yourself." sabi nito at bumalik sa kanina niyang inuupuan.
Binigay ito ng pilit na ngiti ni Xavier, mukhang wala siya sa hulog ngayon.
"As I told everyone here in the past subject, I'm Xavier Thomas Tan. A transferee from Bataan. Please teach me well." Walang ganang sabi nito at saka pumihit ng tingin sa teacher. Sumenyas itong uupo na at hindi na inantay ang sagot ng guro.
Papalapit na si Xavier sa tabi ko pero wala itong ipinapakitang emosyon. Nababalot siya ng itim na aura na animo'y may ginawang mabigat na kasalanan.
"Ba't ang tagal mo?" Usisa ko pag-upo nito.
"A-ah, may nilinis lang." at pilit itong ngumiti sa akin.
"Huh? Anong nilinis? Narumihan ka ba?" Naguguluhang tanong ko.
"Wala 'yun, 'wag mo nang intindihin." At saka siya muling tumingin sa gurong nasa harapan.
Kung may nang-bully man sa kaniya rito, ay paniguradong direkta iyon sa Guidance Office. Dahil maraming mata rito at maraming magsusumbong. Pero kung titingnan si Xavier ay parang normal lang sa kaniya ang lahat. Walang bakas ng kahit anong alinlangan sa mata niya.
YOU ARE READING
The Cursed Boy (ON-GOING)
Mystery / ThrillerThis is a story of a 10th-Grader Boy from Cartician University. A boy that is Friendless and a Loner. But despite of having these kinds, This boy was an honor student, running for valedictorian. Would you take a risk to know him? In what way did he...