Let Him Go (one)

58 0 0
                                    

3 years na ang nakalipas pero sariwa parin ang sakit na naidulot niya sa akin.

Hindi ko parin matanggap na iniwan niya ako nang ganon ganun na lang.

Hindi ko manlang siya napigilan.

Siguro sumuko na din talaga siya para sa'kin.

Hindi manlang niya ako naisip kung paano ako pag iniwan niya.

Napaka-selfish niya.

Nangako pa siya na walang iwanan.
Walang susuko.

Forever kami.

Pero bakit iniwan niya ako?
Ano, forever na lang ako masasaktan?
Forever na iiyak?
Forever na magiging mag-isa?

Yun ba ang forever na tinutukoy niya?

Sana pala hindi ko na lang siya minahal.
Sana pala hindi ko na lang siya nakilala.
Sana pala hindi na lang kami pinagtagpo ng tadhana.

Pero hindi ko din naman mapipigilan ang tadhana kung pinagtatagpo talaga kami.

Alam ko may dahilan ang lahat nang ito.
Alam ko may ibig sabihin ang bawat sakit na nararamdaman ko.
Alam ko kakayanin ko ito dahil walang ibinibigay ang Diyos na hindi ko kakayanin.

Aalamin ko kung bakit.

Kung bakit nangyari sa amin ito.
Kung bakit hindi niya tinupad ang pangako niya.
Kung bakit nabaliwala lang yun forever niya.

Oo, naniniwala ako sa forever nang dahil sakanya. Siya ang nagturo at nagbigay kahulugan ng forever sa buhay ko.

Let Him GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon