Let Him Go (three)

26 0 0
                                    


Todo praktis na ako ngayon dahil mamaya na ang concert ko. Maliit lang din itong concert ko. Para sa mga humahanga sa'akin. Grabe! Hindi ko nga akalain na magkakaconcert pa ako.

"Sana lang nakita niya ang mga tagumpay ko ngayon. Edi sana kasama ko siya nagdiriwang ngayon.''

Mga walong kanta ang kakantahin ko ngayon. Yun iba may kaduet ako. Yun iba solo ko lang.

Maaga din kami natapos sa pagpraktis dahil hindi ako dapat mapagod.

Hindi ako nakatulog masyado dahil sa kaba at excitement.

Naghanda na ang lahat ng stuff. Inayusan na rin nila ako. I look like a pop star.

This is it!

First 3 songs ako lang ang kumanta at ang mga sumunod may kasama na ako.

Sobrang pagod na ako. Kaya sa huling kanta ko na ibubuhos ko lahat ng enerhiya ko.

Tinawag na ako ng stuff.

That's my cue. Kailangan ko ng lumabas.

Pagkalabas ko nagpalakpakan ang lahat. Ngumiti lang ako kahit tumatagaktak ang pawis ko.

Kinakabahan ako. Sinusubukan kong wag maluha dahil sa kantang ito.

''Inaalay ko 'tong kantang ito sa taong nagpatunay sakin na may forever. Sa taong tinuruan ako magmahal, na maging matatag at maging ako kung sino ako ngayon. Nagpapasalamat ako dahil naging bahagi siya ng buhay ko. Kahit iniwan niya ako. Kahit sobra akong nasaktan. Hinding hindi mawawala ang pagmamahal na meron ako sayo.''


There's a reason behind. I know you did everything for me. I know you loved me more than you could. I know you're happy for me. I'm sorry if naging weak ako. But, now I'll be strong because I know you will.. Always.. Be.. At.. My.. Side..


Hinawakan ko ng mahigpit ang mic ko at nagsimulang kumanta.


Well, you only need the light when it's burning low,

Only miss the sun when it starts to snow,

Only know you love him when you let him go.


Bago ako umalis at pumuntang ibang bansa. Sobrang sweet niya sa'kin. Yun tipong kaka-uwi lang namin. Namimiss na agad niya ako. Hindi ko lang masagot yun tawag at text niya, nag-aalala na siya. Para bang ingat na ingat siya sakin. Lagi ako kinakamusta kahit magkasama naman kami buong araw. Hindi ko naman alam na kaya pala ganun e. Yun na din yun huling pagsasama namin.


Only know you've been high when you're feeling low

Only hate the road when you're missing home

Only know you love him when you let him go...

And you let him go.


Nang makarating ako sa America naging madalang ang pag-uusap namin. Pumunta ako ng doon dahil sa kagustuhan nila Mama at Papa. Hindi ko alam na alam na pala nilang may sakit siya. Nilayo nila ako dahil alam nilang hindi ko kakayanin na makita siyang ganun. Sobrang nasasaktan. Hindi ko naman masisi sila Mama dahil naiintindihan kong ginawa nila yun para sa akin.


Staring at the bottom of your glass

Hoping one day you'll make a dream last

Let Him GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon