Let Him Go (two)

50 0 0
                                    

Bumalik ako ng America pagkatapos ng nangyari. Hindi ko kinaya. Sa tuwing maiisip ko siya nagbe-break down ako. Nagwawala. Iyak ng iyak. Namumukmok.

Hindi ko na alam ang gagawin ko tuwing naiisip ko siya.

Tinulungan ako nila mommy at daddy maka-move on. Makalimot. At maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Ipinasok nila ako sa voice class. Doon ko binuhos lahat ng oras ko. Doon ko din tinutok ang lahat ng atensyon ko. Lahat ginawa ko para makalimutan siya.

Nagtagumpay naman kami. Nagawa kong kalimutan siya. Nabawasan din yun sakin na nararamdaman ko.

Tuwing maiisip ko siya hindi na ganun kasakit.

Madami rin ako naging kaibigan. Simula kase ng mawala siya sa buhay ko para narin ako naging lantang gulay. Wala ng silbi. Wala ng kulay. Akala ko nga dun na matatapos ang buhay ko.

Natapos ang taon na iyon ng masaya ako. Hindi man ganun kasaya pero okay na. Sinasanay ko na rin na wala na siya sa buhay ko.

Naisipan ko na bumalik sa Pinas para mabisita ang Lola't Lolo. Tatlong taon na rin naman ang nakakalipas. Siguro naman kakayanin ko na bumalik doon.

Sinabi ko kanila Mommy ang plano kong pagbalik. Sumang-ayon naman sila at sasamahan nila ako pabalik ng Pinas.

Walang paligoy-ligoy ay inasikaso nila ang pag-uwi namin.

Nakalipas ang ilan linggo ay pauwi na rin kami ng Pinas. Sa katunayan ay nasa byahe na kami papuntang Manila kung saan nakatira ang Lola't Lolo ko.

Gustuhin ko man magstay na lang dito pero nasa America na ang buhay ko. Nandoon na ang mga kaibigan ko. At doon ay wala akong naaalala na malungkot na memories kundi masasayang alaala lang.

Nakarating kami sa bahay ng Lola ko. Nagpahinga at kumain.

Mabilis lumipas ang panahon. Hindi ko akalain na kilala pala ako rito sa Pilipinas. Hindi ko alam na aabot dito ang mga video ko sa pagkanta sa mga gig, concert at party ng mga kaibigan ko.

Nang umuwi kami rito sa Pilipinas pinagpatuloy ko ang pag practice ng kanta. Nagkaroon ako ng iba't ibang raket. Kanta rito, kanta roon.

Naging busy rin ako ng umuwi ako dito. Maganda na rin yun dahil nawawala na siya sa isip ko.

Nakaraan ang dalawang linggo. Isang buwan lang naman kami magstay dito sa Pinas dahil may mga trabaho pa sila Mommy sa America. Pinagbigyan lang talaga nila ako.

May nag-invite sa'kin na kumanta sa isang gig. Pumayag naman ako dahil wala naman akong ginagawa ngayon linggo.

Pagkatapos ng gig na iyon nasundan pa ng nasundan ang mga gigs ko. Unti-unti ng lumalaganap ang pangalan ko sa Maynila. Unti-unti na akong nakikilala. Nagkakaroon na rin ako ng maliliit na concert. Concert sa banyo, sa kalsada, sa mga eskwelahan at sa mga aktibidad na meron kantahan.

Lumipas uli ang panahon. Wala na ang sakit na naidulot niya. Nagpapasalamat ako dahil alam ko nakamove on na ako!

Pangatlong linggo na namin dito sa Maynila. Naisipan ko muna magpahinga para makasama ang pamilya ko at magpahinga dahil sa huling linggo ko dito ay magkakaroon ako ng concert.

Hindi ako makapaniwala. Concert ko talaga!

 Ako mismo.

Pumunta kami ng Tagaytay at doon nagpahinga. Tuwing umaga nagpapraktis ako para sa mga kakantahin ko.

At tuwing hapon at gabi naman nagbobonding kami nila Lola.

Na-excite ako bigla.

Nang maka-uwi kami galing Tagaytay naisipan kong bumisita kanila Mama. Mga magulang niya. Hindi ko kayang banggitin ang pangalan niya. Ayoko na bumalik lahat ng alaala at ng sakit.

Nakarating ako sa bahay nila Mama. Oo, mama na ang turing ko sakanila. Dahil sila na rin ang tumayong magulang ko noong nasa America pa sila Mommy at Daddy. Lagi ako pumupunta dito kanila Mama pag nalulungkot ako sa condo ko at pag namimiss ko siya.

Sinalubong ako nila Mama't Papa ng yakap at halik. Namiss ko sila. Pinapasok nila ako at kinamusta. Kinamusta ko rin sila. Sobrang namiss ko sila. Bakas sa mukha nila na masaya sila. At masaya rin ako para sakanila.

Hindi rin nagtagal ay umuwi na ako. Masyado ng maraming alaala ang naaalala ko pag nagtagal pa ako.

Makita ko lamang ang pwesto na lagi niyang inuupuan pag kakain kami parang maiiyak nanaman ako.

Kala ko tapos na ako sa drama na 'to. Kaya bago pa ako tuluyan maiyak dahil sa alaala. Umuwi na ako.

Dalawang araw na lang at concert ko na. Kinakailangan ko pang magpahinga at magpraktis. Baka huling kanta ko na rin dito sa Pinas.

Let Him GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon