THE HORSEMAN

2 0 0
                                    

"Patawarin mo ako munting nilalang ngunit kailangan munang lisanin ang magulong mundong ito, sa aking lugar mararanasan mo ang kapayapaang nararapat lamang saiyo," pag dampi nya sa noo ng isang batang usa agad itong napahiga, inalayan nya ito ng bulaklak na kanyang binunot. Napangiti sya ng nakita nya ang kulay bughaw na usok na lumabas mula sa katawan ng batang usa, mag kikita na rin kayo ng iyong ama at ina hiling ko ang iyong kasiyahan.

Habang nag lalakad natanaw nya sa di kalayuan ang isang kabayong kulay pula na patakbo papunta sa lugar na kanyang kinatatayuan, Drako? Tanong nya sa kanyang sarili dahil pag tataka, anong dahilan na kitain sya ng simbolo ng digmaan.

Xerath kapatid ko sambit ng isang lalaking bumababa sa pulang kabayo, inakap nya ito at hinalikan sa pisngi, anong dahilan mo upang kitain ako? Wala pa ang araw nang pag kasira ng mga selyo? Tanong ni xerath sa kapatid, "sa pag liliwaliw mo rito sa daigdig ng mga mortal hindi mo na nalaman ang nakakapanindig balahibong balita tugon nito sa kanya".

"Ang lumikha tuluyan ng nilamon ng sumpa ni Karisha ang mundo na iyong minamahal ay nakabadyang lamunin ng panganib, kaya andito ako upang sunduin ka utos na rin ng banal na ina sumama kana sakin kapatid ko."

Hindi maari ito wala na bang nagawa ang konseho ng seraphim at cherubim sa bagay na ito? Tanong ko sa aking kapatid, umiling nalamang ito at nag wikang "kahit si Jophiel ay wala ng nagawa nilaban nya ang salot na lumamon sa lumikha ngunit sa sobrang lakas nito ay nasira ang kanyang pakpak" tugon ng aking kapatid na agad kong pinag alala, agad kong tinawag ang aking kabayo at kasabay ng aking kapatid ay agad kaming nag lakbay patungo sa lugar ng dalawa pa naming kapatid.

Nero Pov.

Nero Evening Moon GET OUT OF MY CLASS!! Sigaw ng teacher ko dahil nahuli nanaman ako nitong natutulog sa kanyang klase, kasalanan ko pa bang nakaka antok sya mag turo at wala talaga akong matutunan kahit pilitin ko letche talaga. Agad akong pumunta sa roof top na tinatambayan ko at dun muna nag muni-muni pansamantala, nag chat narin ako sa tropa kong si botchog para after ng history class ay akyatin nya ako dito sa tambayan namin. Tumunog ang cp ko na inaakala kong si nag reply na si botchog isa pang maingay ang bunganga ang nag chat si Maybel kaibigan naming babae ni botchog, mukang sermon na nanaman ako nito mamaya mahirap panaman pakalmahin ang bunganga nito.

Habang nag iintay napa sulyap muna ako sa alapaap at may napansin ako dito apat na bulalakaw na paakyat sa himpapawid ang nakita ko nag taka naman ako dahil diba dapat pabagsak ang bulalakaw hindi paangat? Tanong ko sa sarili ko ipinagsawalang bahala ko nalamang ito at napag pasyahang maidlip muna dahil 30 min ba bago matapos ang klase ni mam betty.

Third person pov

Nagising si nero sa isang napakalas na pag sabog at agad syang napabalikwas ng tayo ng ma kita nyang ang kulay asul na alapaap kanina ay naging kulay pula na, nakita nya rin ang kanyang eskwelahan na wasak wasak dahil sa mga nag babagsakang kometa na mula sa kalawakan.

Nag madali si nerong bumaba upang hanapin ang kanyang kaibigan nakalabas sya ng campus ng ma kita ang mga nag kalat na katawan ng kanyang mga kamag aral, at agad syang napaluhod ng makitang nilalantakan ng isang demonyo ang kanyang matalik na kaibigan na si Rupert na kung tawagin nyang botchog, pinilit nyang itago ang panaghoy na sa kanyang puso dahil sa nakita nyang kalunos lunos na sinapit ng matalik na kaibigan.

Hindi na napigilan ni nero ang panaghoy ng masaksihan ang isa pang bagay ang ulot ni maybel na turok sa isang poste ng gate ng kanilang eskwelahan agad syang umatungal ng iyak, iyak na kanina pa nya kinikimkim wala na syang pake kung marinig pa sya ng mga demonyong nakita nya kanina ang mahalaga sa kanya ay, mailabas ang sakit ng kanyang kalooban.

Napabalikwas ng bangon si Nero ng sampalin sya ni botchog, "hoy nero nero!!!" sampal nito sa kanya na agad nyang kinagising, nung nakita nya si Rupert na buhay ay agad nya itong niyakap ng mahigpit na mahigpit, "anong nangyari sayo?" tanong ni Rupert sa kaibigan "wala wala" sabay yakap ulit ni nero dito ng mahigpit na mahigpit.

WAR Pov.

HOHOHO!!! Andito na pala ang mga kapatid kong kinakatakutan ng dalawang dimension kamusta xerath kamusta drako? Bati samin ng isa naming kapatid na sumisimbulo ng salot at pag ka gutom si gloxinia. Ikina tutuwaw kong Makita ko kayong dalawa xerath at drako bati rin ng isa pa naming kapatid na sumisimbulo ng pananakop si Kadis. Masaya kaming makita kayong dalawa agad namang niyakap ni xerath an gaming mga kapatid.

Ikinagagalak ko ring makita ko kayo aking mga anak sambit nang isang babaeng bigla nalamang nag salita isang babaeng kumalong at nag mahal sa sanlibutan, sa ganda nyang hindi kayang higitan ng iilan mga matang kakulay ng karagatan ang buhok nyang sumisimbulo sa isang magandang gabi walang iba sya ang aming ina si maria.

Agad kaming lumuhod apat bilang pag bibigay galang sa ina ng tagapag tubos at amin naring ina na nag mahal sa aming apat. "patawarin ninyo ako kung agad ko kayong pinatawag pero nalalagay na sa panganib ang mundo, " umiiyak na tugon ng aming ina na nag pakirot sa aming dibdib, agad naman syang niyakap ni gloxinia.

Mga anak kailangan nyo ng mahanap ang anak ni mara sya ang susi para mapigilan ang salot na lumamon sa kaharian ng diyos, utos samin ni ina.

Ang iyong hiling ay aming tutuparin aming mahal na ina sabay sabay naming sambit biglang pag tugon sa misyong ibinigay sa amin.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

689 (the rise of deadly sins)Where stories live. Discover now