Continue of Chapter 07

400 19 0
                                    

Zhaolyn's POV

Takbo lang ako ng takbo sa madilim na kagubatan na ito hindi ko alam kong bakit ako napunta dito 
May gustong Pumatay saakin,hindi ko alam kong bakit nya ginagawa ito 
wala naman akong ginawang masama sa lalaking yun 

BANG²×

Sunod sunod na putok ng baril Ang tumama saaking likuran 
Napatigil ako sa pagtakbo at Unti unting napaluhod 
Nagsimula na rin akong sumuka ng dugo 
Humiga na ako at Tumingin sa kalangitan na natatakluban ng kadiliman 

Nakita ko Naman Ang lalaking Gustong patayin ako at itoy namukhaan ko Ngunit Hindi ko sya kilala 
Itinutok nyang muli Ang kanyang Baril sa akin at Ako'y binaril hanggang sa bawian na ako ng buhay 

________

Iminulat ko Ang aking mga Mata at nagtataka Kung bakit nakahiga ako sa maruming kalupaan na Ito 
Tumayo ako at naglakad Umalis ako sa kagubatan na iyun 

Wala akong maalala kahit Isa Pati narin Ang aking pangalan Hindi ko Alam 
May nakita akong babae Kaya lumapit ako sa kanya para humingi Ng tulong 

Ngunit Nangtanungin ko sya ay Hindi nya ako naririnig 
Hinawakan ko Ang braso nya pero tumatagos Lang Ang aking mga kamay Sa braso nya

Pumunta ako Bintana upang Tinitingnan Ang aking sarili 
Nagulat ako Ng Makita ko na Punong puno Ng dugo Ang aking Kulay puting dress na suot ko 

" Patay na ba ako?.. Anong nangyare bakit Hindi ako nakikita at naririnig Ng mga tao?.. kailangan Kong Alamin Kong bakit ako namatay.. " Saad ko habang Nanggigilid na Ang aking mga luha 

Naglakad muli ako at para akong lantay na gulay at iniisip parin Ang nangyare SAakin, Kung bakit ako namatay
May nakita akong puting paro paro Kaya sinundan ko Ito Ng sinundan 
Ngayun ko Lang napansin na umaga na pala 

Pumunta Ang paroparo sa Hospital Kaya Sinundan ko Ito tumatagos ako sa mga taong nadadaanan ko
Nanggigigilid nanaman Ang aking mga luha ng Maalala ko nanaman na Patay na ako 

Pumasok Ang paroparo sa isang Silid Kaya tumingala ako at para basahin Ang nakasulat 

"Punerarya?.. bakit pumasok Ang paroparo dito!" Saad ko habang nagtataka 

Pumasok ako sa loob at tumagos ako sa pinto 
Pagkapasok ko ay may nakita akong Mag asawang umiiyak at may yakap yakap na Babae Kaya Nagtaka ako 

Hinanap ko Ang paroparo Ngunit nahagip Ng aking mga Mata Ang isang babae na kamukha ko na Umiiyak din 

"What?.. kamukha ko sya ha?.. " Hindi makapaniwalang Saad ko sa aking sarili 

Lalapit na Sana ako sa Babaeng kamukha ko Ng Humagolgol Ng iyak Ang dalwang mag asawa at may Pangalan silang binanggit 
Nakaramdam Naman ako Ng kirot saaking dibdib at Unti unting Nagsisilabasan Ang aking mga luha 

Lumapit ako SA dalwang mag asawa at Tumingin ako sa Babaeng yakap yakap nila 
Nakita ko Ang Dugo na nasa damit nya 
Nang Makita ko na Ang kanyang buong mukha ay Napa atras ako at nanlaki Ang aking mga Mata 

"Ang ibig sabihin.. ako Yung babaeng.. yakap yakap nila?.. " Saad ko habang umaagos SA pisnge ko Ang luha ko 

Lumabas ako sa Punerarya at pumunta ako sa gilid Ng pinto 
Duon ko binuhos Ang luha ko 
Humagolgol narin ako Ng iyak 

"Bakit nangyayare Ang lahat Ng to SAakin?.. bakit ako pa!!.. " Saad ko habang yapos yapos Ang aking sarili.

GHᴏsᴛ Lᴏᴠᴇ  [ COMPLETE TAGALOG STORY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon