Chapter One

3 0 0
                                    

"Kuya! Isa pa ngang Vodka dyan!"  Sigaw ko sa bartender sa harap ko dahil sa ingay sa paligid ko kailangan kong itaas ang boses ko habang itinataas ang hawak kong wine glass

Gusto kong malasing ngayon gabi  minsan ko lanh naman gawin ang mag walwal pag sobra na ang bigat ng nararamdaman ko hindi naman ako mag isa na nagpunta dito sa bar kasama ko si kristel kaibigan ko umalis lang sandali dahil may kailangan imeet up sa labas.

Nilapag na ni kuyang bartender ang alak sa harap ko agad ko yung nilagok muling gumihit ang mainit na alak sa lalamunan ko.

Nang mapansin kong umiilaw ang phone ko na nakalapag lang sa mesa sa harap ko tanda na may notif baka si kristel lang nagtext kinuha ko ito para tignan.

Nag bago ang expresyon ng mukha ko ng makita kung sino ang nagtext saakin at may ten misscalls narin pala.

From Julian

Where the fuck are you Stella Marie? Ive been calling since morning!

Napangisi ako at nilapag ang phone ko hindi ko sya sinagot matapos nyang hindi magparamdam maghapon kahapon sya pa may ganang magalit ngayon Nilagok ko na rin ang natirang alak sa baso ko.

Tumayo ako para mag CR nang maramdaman kong tila  umiikot ang paligid ko.

Hala tinatamaan na pala ako ng alak nasaan na ba si Kristel?

Sinubukan kong pumuntang banyo mag isa habang naka kapit sa pader.

Hilong hilo na talaga ako.

"Hi miss san ka ba punta gusto mo ba samahan kita?" Hinarang ako ng isang lalaking.. sinubukan ko syang aninagin dahil madilim ang paligid bukod pa doon ay medyo may amats na rin ako.

Isang lalaking matangkad at medyo mataba ang naaninag ko.

"Hindi na kuya kaya ko." Tanggi ko.

"Sige na miss pakipot ka pa eh" naramdaman kong hinawakan nya ako bewang.

"Ano ba kuya sinabeng kaya ko e!" Kahit sobrang nanghihina ako dahil sa tama ng alak sa sistema ko pinilit ko syang itulak palayo pero sadyang wala na akong lakas.

"Pakipot ka pa eh alam ko naman na sasama ka-"

Hawak parin nya ako sa bewang.

"Bitawan mo ako ano ba!-"

"Boss. May problema ba dito?" May isang lalaking dumating.

Hay salamat may tutulong sakin.

Medyo naaninag ko yung lalaking dahil natatamaan sya ng disco lights matangkad matangos ang ilong maputi at gwapo mukha syang acoustic singer sa pormahan nya.

"Wala boss away mag syota lang to" sagot ng kumag na lalaking may hawak sakin.

What the fuck?

"Hoy kuya ang kapal ng mukha mo! Ang panget mo para maging jowa ko!"

"Ahh okay may motel sa tabi nitong bar dun kayo maglampungan"

What the hell?

♡♥︎♡♡

Napabalikwas ako pag bangon ko agad kong nilibot ang mata ko sa paligid nasa kwarto ako ni kristel kaya nakahinga ako ng maluwag.

Napangiwi ako ng maramdaman kong kumirot ang sentido ko.

"Oh gising ka na palang lasengga ka." Biglang sumulpot si kristel habang naka robe at nagpapatuyo ng buhok.

"Bes wala bang.. nangyari sakin kagabe? O wala bang.." biglang naalala ko yung nangyari kagabe. 

"Walang nangyare sayo kagabe nakauwi kang safe atsaka bakit ka uminom ng ganun karami Stella Marie? Alam mo naman mahina ang tollerance mo sa alcohol teka sabihin mo nga anong problema mo? May problema ka?" Umupo sya sa edge ng kama habang nagpapahid ng cream sa mukha.

Sa totoo lang hindi pa ako nag oopen up kahit kanino ng nararamdam at problema ko lately pinipilit kong sarilihin ang lahat pakiramdam ko sobrang hina ako kung mag oopen up sa iba.

"Wala lang gusto ko lang talaga uminom kagabi ng madami"

Hindi sya sumagot tinignan lang nya ako na tila hindi sya sumasangayon sa sinasabi ko.

Biglang tumunog yung doorbell.

"May tao? May bisita ka ba?" Tanong ko saknya

Nagkibit balikat lang sya at tumayo

"Teka buksan ko lang"

Humiga ako ulit at pumikit ng umalis si kristel.

"Stella" narinig kong tawag ni kristel sakin.

"Hm" sagot ko ng hindi man lang dumidilat

"May naghahanap sayo" sabi nya sakin.

Bumangon ako at pumunta sa sala.

Nabigla ako dahil si Julian ang nakita ko nag hihintay sakin at seryosong nakatingin sakin.

Tahimik lang akong sumama sa kanya.

Tahimik lang kaming dalawa habang sakay kami ng sasakyan nya tanging hangin ng aircon ang nadidinig ko.

"Nasaan ka buong magdamag Stella Marie?"

Basag ni Julian sa katahimikan.

"Wala kasama ko lang si Kristel"

"Uminom ka ba?"

"Hindi"

"Dont lie-"

"Just give me some space julian"

Halos masubsob ako sa dashboard ng pumreno ito ng biglaan.

"What?-"

"Bingi ka ba? Sabi ko i need some space" ulit ko

"Fine ill give you some space kung iyan ang ikakatahimik ng utak mo"

Yun lang ang sasabihin nya?

Hindi ko alam kung may pakielam pa ba sya sakin.



Meet me in SeoulWhere stories live. Discover now