Chapter Two

6 0 0
                                        

Ilan minuto na lang mag checheck in nako sa check in counter ng maisipan kong kuhanin sa bag ko ang passport ko para iready.

Pero nagtaka ako bakit hindi ko makapa sa bag ko?!

"Hala ka"

Agad akong umupo para hanapin sa bag ko yung passport ko halos mailabas ko na lahat ng laman ng bag ko pero wala talaga.

"Nasan na napunta yon? Hay nako Stella Marie napaka tanga mo talaga" mangiyak ngiyak na sabi ko sa sarili ko.

"Stella Marie Gonzaga?" May tumawag sakin parang pamilyar yung boses nya agad akong lumingon kung saan galing yung tawag na iyon.

Isang lalaking matangkad na naka hoodie jacket may backpack at maleta din sya.

Kumunot ang noo ko kilala ko ba sya?

"Yes?"

He handed me something into my suprise it was my passport!

"Oh my god! Thank you very much!" Agad kong kinuha iyon.

"You're welcome" he said bago ito umalis.

Pero bakit parang pamilyar ang boses nya? At ang bulto nya saan ko ba sya nakita? Argh.

"Last call to the passenger of flight 355 Manila to Incheon" announce sa airport radio.

Agad akong tumakbo sa check in counter.

Sana pag balik ko maayos ko na ang sarili ko.

♡♥︎♡♡♡♡

Incheon south korea

Napaka lamig pala nakalimutan ko winter yata dito ngayon isang layer lang ang suot ko parang tumatagos sa denim jacket ko.

Nasa loob pa lang ako ng airport paano kaya pag lumabas pa ako.

Brrr.

Pumunta nako sa airport conveyor para kuhanin ang maleta ko.

Agad kong kinuga ang maleta ko ng makita ko ang maleta ko pero nagtaka ako bakit medyo mabigat?

Teka. Chineck ko kagad yung tag

Fuck this is not mine!

Agad kong bumalik sa airport conveyor.

"Miss!"

"Miss!"

"Miss!"

May narinig akong sumisigaw. Teka "miss" daw malamang pilipino yun baka ako yung tinatawag kaya hinanap ko kung sino yung sumisigaw na yun.

Ganun na lang ang gulat ko ng makita kung sino yun si kuyang nakahanap ng passport ko.

"I think we switched" tukoy nito sa maleta.

"Ha?" Napatingin ako sa maletang dala nya.

Oo nga maleta ko nga yon.

"Im so sorry! Nagmamadali kasi ako kanina kaya maling maleta nakuha ko" paliwanag nya

"Oh okay lang" nasabi ko na lang at inabot ang maleta saknya.

"Buti nahanap mo ko?"

" Natanaw kasi kita kanina kaya ayun then nabasa ko yung name mo tapos nagbaka sakali ako baka di ka pa nakaalis" aniya

Baka naalala nya din ako dahil sya nakakita ng passport ko sa Naia.

"Ah okay by the way thank you.." wika ko rito.

"You're welcome again" he said while smiling.

Bakit ang cute ng smile nya? Ay putcha.

Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sakanya he smiled widely parang sinasabi nya na "May problema ba sa mukha ko?"

Meet me in SeoulWhere stories live. Discover now