Chapter Three

9 0 0
                                    

Okay naman ang apartelle na narentahan ko medyo maliit lang talaga may maliit na ref meron din mini laundry meron din lutuan meron din aircon na lumang version na yata.

Inayos ko muna ang mga gamit ko ng maalala ko hindi pa pala ako nag didinner pasado alas otso na pala.

Hala ka paano ako bibili ng pagkain hindi ko pa naman kabisado itong lugar.

Okay na siguro bukas na lang ako kakain.

Gr.

Biglang kumulo ang tyan ko. Nagugutom na talaga ako.

Bahala na magtatanong na lang ako sa land lord ng apartelle.

Bumaba ako sa baba meron kasi silang receiving area kung saan nakaupo at parang opisina ng landlord ng apartelle.

Mabait naman si manong medyo may edad na rin sya mga nasa mid fifties na rin.

Teka magtatanong ako? Hindi naman ako bihasa sa hangul.

Siguro gamit na lang ako ng google translator.

Ilan sandali pa nakababa nako pero wala ng tao nakapatay na ang ilaw sa reception.

Naku po patay paano na ako nito no choice ako maglalakad lakad na lang ako madali naman siguro matandaan yung dadaanan ko.

Kahit kelan talaga bakit nakalimutan kong bumili ng pagkain kanina.

Lumabas na ako ng building medyo tahimik na ang paligid sobrang lamig din ng hangin.

Saan ba ako dadaan? San ba may malapit na 7/11 ang bobloks ko talaga. Hay nako.

Nagsimula na ako mag lakad papapunta sa dinanaanan namin kanina.

Medyo madilim na talaga at sobrang nakakatakot kuliglig ang umaalingawngaw sa kapaligiran para akong nasa suspence movie na anu mang sandali ay may aatakeng serial killer.

Hay Ano ba tong mga naiisip ko. Tinatakot ko pa ang sarili ko iniwaksi ko ang nasa isip ko at nag lakad na ng normal.

Pero siguro safe naman siguro.

Habang naglalakad ako madaming bagay na pumapasok sa isip ko dahil siguro presko ang paligid at nakaka relax ang hangin.

Ilan sandali pa napangiti ako dahil natanaw ko na ang main road nakahinga ako ng maluwag.

Puro convience store ang nadadaan ko kaya nagdecide ako na pumasok sa 7/11 dumiresto ako sa cook food section at kumuha ng isang naka balot doon na hindi ko maintindihan para syang naka cup noodles  na ewan bumili na rin ako ng banana milk.

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa counter para magbayad.

"2000 won" daw lahat ng total ng pinamili ko agad kong kinuha yung wallet ko para kumuha ng bayad pero nanlaki ang mata ko ng makitang 1000 won na lang ang laman ng wallet ko nakalimutan kong magpa money changer. Napatingin ako kay manong na nag aantay ng bayad ko.

"Ah-"

Biglang may naglapag ng card sa tabi ko kaya napatingin ako

"Vester?"

"Ako na bahala" sinabi nya sabay ngiti.

"Eh-" nahiya akong ngumiti at tumango makapag na kung makapal ang mukha ko wala na akong cash.

Inabot na ni manong yung binili ko at binili ni Vester na pagkain din.

"Babayaran kita buti na lang dumating ka hindi ko na alam gagawin ko kanina kung hindi ko mababayaran yung binili ko"

He chuckled.

"Bakit ba kasi hindi ka nagpa-money change? Pasaway ka."

"Nakalimutan ko din kasi sorry na" sabi ko habang nasa labas na kami ng Store.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meet me in SeoulWhere stories live. Discover now