CHAPTER 15: Mission

65 8 6
                                    

CHAPTER 15: Mission

Kyla Christine POV

Natatakot ako. Natatakot ako sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung sino sila at kung anong kailangan nila sa amin pero sa tingin ko kay Bellatrix sila may kailangan. Anong kailangan nila sa kanya? Bakit may dala silang mga hindi ko matukoy na armas? Papatayin ba nila kami? Madadamay ba kami ni Melanie? Malamang madadamay kayo boplaks!

Hindi! Hindi dapat ako mag-isip ng kung anong negative vibes dapat always positive lang! Tama Kyla, tama yan think positive! Akala ko magagawa kong hindi mag-isip ng negative vibes pero hindi pala— hinila ako ni Bellatrix kaya malakas ko ring hinila si Melanie nagpatianod naman sya sa paghila ko.

Alam kong takot din sya sa maaring mangyari pero mas takot at kinakabahan ako. Itinago kami ni Bellatrix sa isang sulok at madilim na bahagi ng lagayan ng mga sasakyan upang hindi kami makita at masaktan ng mga kalaban nya. Natatakot ako para sa kanya baka kasi kung anong mangyari sa kanya.

Nagsimula na ang maging maingay sa buong paligid. Dahil sa takot ay hindi ko mapigilang maiyak. Niyakap ako ni Melanie kaya niyakap ko rin sya pabalik. Naramdaman kong basang-basa ang balikat ko alam kong umiiyak na rin si Melanie ngayon dahil sa takot at pangamba sa maaring mangyari sa amin at kay Bellatrix na nakikipaglaban sa mga malalaking lalaki.

Melanie Wicthirest POV

Pilit kong tinatatagan ang loob at isip ko dahil hindi pwedeng dalawa kaming takot ni Kyla. Pinapatahan ko sya ngayon dahil hindi pa rin sya tumitigil sa pag-iyak. Nagmistulang gyera ang nangyayari sa pagitan ng mga lalaking nakaitim at ni Bellatrix dahil sa palitan na putok ng baril nila.

Alam ko ang mga bagay na ginagamit nila dahil minsan na rin akong pumuslit sa mundo ng mga tao. Hindi 'to ang tamang oras para ikwento ko ang nangyari sakin. Wala na akong naririnig na mga putok ng baril kaya medyo nabawasan ang kabang nararamdaman ko ngunit si Kyla ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

Naiyak ulit ako dahil akala ko 'to na ang magiging katapusan ng buhay namin. Habang umiiyak ay patuloy ko pa ring pinapatahan si Kyla sa pag-iyak nito nang may nagsalita ng napakalamig sa harapan namin. Alam ko na kung sino ang taong 'to sa lamig pa naman ng boses nya sinong di makakakilala sa kanya? It's Bellatrix.

"Both of you are you hungry?" she coldly ask.

Tinaas ko ang ulo ko upang tignan sya sa mata ngunit agad ko rin 'yong iniwas ng magtama ang mga mata namin. Blangko, blangko ang makikita mo sa dalawang pares ng mga mata nya. Walang kahit anong emosyon ang makikita mo dito. Kung gaano ka lamig ang pakikitungo at pananalita nya sa amin ganun naman ka walang emosyon ang mga mata nya— ngunit hindi ko maitatanggi na sobrang ganda ng mga mata nya.

She have dark blue ocean eyes but i noticed something in her eyes. It's has red on her left eyes and black— nevermind. Baka namamalikmata lang ako.

"Bellatrix! Are you okay? May masakit ba sayo? Nasagutan ka ba? Ano? Sagot?!" sunod-sunod na tanong ni Kyla kay Bellatrix na may nagsusumamong mga tingin. Umaasa na sagutin ni Bellatrix ang mga katanungan nya but as I expected she just ignored all of Kyla's questions.

Tumayo na rin ako mula sa pagkaka-upo ko kanina sa sahig at sinagot ang tanong ni Bellatrix.

"Yes, we're hungry." tanging sagot ko sa kanya.

Tumango na lang sya at hindi na nagsalita pa. Naglakad sya palabas ng parking lot ay kinuha ang cellphone nya sa kanyang bulsa at may pinindot doon. Maya-maya pa ay may dumating na isang magandang sasakyan sa harap namin. Wari ko ay napakamahal ng ganitong sasakyan dito sa mundo ng mga tao.

"Get inside." utos nya sa amin na kaagad naman naming sinunod.

Bellatrix Magenta Vellum POV

Dark QueenWhere stories live. Discover now