TW: blood
FARBY
Case #4001
"We'll take a recess," said the judge.
Napasabunot na lamang ako sa sarili kong buhok paglabas ng courtroom. Now we only have one day to gather the evidence. Sumasakit lalo ang utak ko dahil sa kliyente ko. Arggh! Bakit ba kasi ako naging abogado? Dali dali akong bumalik sa law firm na pagmamay-ari ko at dire-diretsong umakyat sa office ko. Hindi ko na rin nabati ang iba pang empleyado dahil nakafocus ako sa pagiisip kung anong gagawin ko bukas. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang mukha ng buwiset kong kliyente na si Markus Herrera. Isang anak mayamang spoiled brat na pinagbibintangang drinoga at pinatay ang mga kaibigan niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Atty. Farby I just want to apologize for what happened. I didn't think that they would use that against me. I'm sor-"
"Hindi ka nagtitiwala sakin kaya bakit mo pa ako kinuha bilang abogado mo? Alam mo bang paghuhukay ng sarili mong libingan iyang ginagawa mo ha? "
"Eh hindi ko naman kasi al-"
"Sinabi ko na sa'yo hindi ba? Bilang abogado mo kailangan kong malaman lahat ng ginawa bago yung insidente pero dahil inakala mong hindi nila gagamitin yung maliit na bagay na yun, isinawalang- bahala mo na lang at ngayon nahanapan nila tayo ng butas. Pinahihirap mo lalo tong trabaho ko eh,"
"Paano na ako ngayon? Makukulong ba ako?" sabi niya na paluha na.
"Trabaho kong protektahan ka kaya gagawin ko ang lahat para hindi ka mahatulang guilty. Pero pwede ba, lumayas ka sa harap ko dahil hindi ako makapag-isip ng maayos pag nakikita ko yang punyetang pagmumukha mo,"
Itinuro ko na ang pinto para tuluyan na siyang lumabas at lisanin ang office ko. Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang nagiisip kung anong ebidensiya ang ilalabas ko laban sa prosecution.
One week earlier...
"Sir tumatawag na naman po si Mr. Herrera. He wants to talk to you in private. He said he's been trying to reach out to you since the issue,"
Annie, my secretary had been bugging me with his calls since the other day. I know trabaho niya yun pero pwede niya namang babaan ng telepono yang lalaking yan. Hindi naman siya kawalan.
"Okay. Schedule a meeting with him at three."
Tumango na lamang si Annie at tuluyan nang umalis.
Nagdadalawang isip pa ako na kuhanin ang anak niya bilang kliyente dahil masyadong malaki ang pangalan nila at ang isyung kinasasangkutan ng anak niya, hindi ko binabalak na makilala ang law firm na hawak ko. Mas gusto kong magsilbi ng hindi kilala ang pangalan ko and I am proud to say na for the past four years of being a lawyer, I manage to accept clean jobs. I stick with my principles and mas proud pa ako doon kaysa sa lawfirm na ito. Nangako akong hindi ko hahayaang maging isa ako sa mga taong paglalaruan at mamanipulahin ang batas.
Kaya ko din pilit na tinatanggihan ang kasong yun dahil hindi ako sigurado kung totoo nga ba ang sinasabi ng anak niya, na hindi siya ang may gawa ng karumal-dumal na krimeng iyon. His son is known for being a spoiled kid. But I have to hear them out, I guess desperado na si Mr. Herrera para humingi ng tulong sakin. I put the papers down and then started to get ready for our meeting, bumaba na agad ako kahit hindi pa maga-alastres dahil ayokong ako ang hinihintay.
YOU ARE READING
Tortured Souls (Who's the Baddest of Them All Series #2)
RandomAkira is a girl who admired her Kuya, Jairo Enriquez. She was her protector, best friend, and her mentor. But after that tragic night, she had lost everything including her brother.