TRIGGER WARNING: The story contains strong emotional content and tackles themes that may trigger disagreements and opinion-based judgements. Please read with an open mind and be aware that this story involves sensitive themes such as violence, self-harm, and addiction.
Read with caution.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(classical music playing)
Kanya-kanyang partner ang bawat kilalang personalidad sa paligid ko. May mga artista, politiko, at businessman pa. Nakakabagot naman, antagal ni Kuya. Bongga ang design ng venue, mahahalatang mga bourgeise ang dadalo. May napakalaking chandelier na nasa gitna ng event hall at may mga butterfly pang lumilipad na sinadya talagang ilagay sa loob para sa event na ito. Kahit pa sanay na ako sa mga ganitong uri ng gatherings ay hindi ko pa ring maiwasang mainip dahil mahahalata sa mga tao ang pagiging peke nila sa isa't isa.
Dahil nasa larangan ng politika ang pamilya ko, alam na rin namin kung paano gumalaw ang iba't ibang uri ng makapangyarihang tao. Ang pamilya Enriquez ay isa sa mga makapangyarihang tao sa Pilipinas, at wala pang naglakas-loob na kumalaban sa angkan namin. Hindi ko rin alam kung totoong tapat kami at talagang pagsisilbi sa tao ang layunin ng angkan namin. I'm just here because Dad asked me to.
Ang lolo ko ay dating congressman, ang tito ko ay isang senador at ang papa ko naman ay Mayor. Kami lang ng Kuya ang hindi sumunod sa yapak nila. Alam namin pareho na madumi at nakakasuka ang politika.
Kumuha ako ng wine sa waiter na nagaalok sa mga guest at nilagok yon. Halos limang baso na ang nainom ko sa sobrang tagal ni Kuya. Muli kong dinial ang number niya pero wala pa ring sagot. Nasan na ba yung lokong yun? Mukha na akong tanga dito. I wear a black strapless gown with high slit. Nageffort pa naman ako para sa gabing to tapos wala naman pala akong partner. Ano na lang sasabihin ng mga constituents nina Daddy at Tito?! Napagpasyahan kong maglakad-lakad na lang para naman hindi ako magmukhang mag-isa. I was about to call my Dad when someone bumped into me.
"Miss, I'm sorry. I didn't notice you."
Gusto ko sanang magtaray dahil medyo nasaktan ako kaso paniguradong masisira lang ang image ng pamilya ko, so instead I end up saying:
"It's okay, I'm sorry din,"
Tsk...Isa akong mapagkunwaring nilalang.
The guy was wearing specs. He's taller than me and his teeth are so white. Masyadong nakakasilaw ang ngiti ng lalaking to. Pwede na siyang kuhaning model ng toothpaste at halata rin sa facial features niya na hindi siya pinoy. Kano ba to o Espanol?
"Akira? I know you. We're in the same class."
"Oh really? I'm sorry I can't remember. I'm bad with names kasi eh."
And isa pa makakalimutin din ako lalo na sa mga bagay na hindi importante.
"Christian Farby," he smiled and offered his hand
Mukha naman tong si Johnny Bravo. Dentristry ba course niya? Hindi ko namalayang tumagal na pala ang pagtitig ko sa mukha niya.
"Akira?" he looked at me with confusion
I gave him an apologetic smile and shook his hand.
YOU ARE READING
Tortured Souls (Who's the Baddest of Them All Series #2)
RandomAkira is a girl who admired her Kuya, Jairo Enriquez. She was her protector, best friend, and her mentor. But after that tragic night, she had lost everything including her brother.